2 Mga Taga-Corinto 12
12
Ang Pangitain ni Pablo at ang Kanyang Tinik
1Napilitan akong magmalaki kahit na alam kong wala akong mapapala rito. Sasabihin ko sa inyo ngayon ang mga ipinahayag at ipinakita sa akin ng Panginoon. 2Ako#12:2 ako: Sa Griyego, May kilala akong isang lalaki … ay dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Sumasampalataya na ako kay Kristo noon. Hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam. 3Ang alam ko lang, kahit hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam, 4nakarating ako sa Paraiso, at narinig ko roon ang mga kamangha-manghang bagay na hindi kayang ipaliwanag at hindi dapat sabihin kahit kanino. 5Maipagmamalaki ko ang karanasan kong iyon. Ngunit kung tungkol sa aking sarili, wala akong maipagmamalaki maliban sa aking mga kahinaan. 6At kung magmamalaki man ako, hindi ako magmimistulang hangal, dahil totoo naman ang aking sasabihin. Ngunit pinipigilan ko ang aking sarili dahil baka maging labis ang pagtingin ng ilan sa akin kaysa sa nakikita nila sa aking pamumuhay.
7Para hindi ako maging mayabang dahil sa mga kamangha-manghang ipinakita ng Diyos sa akin, binigyan ako ng isang kapansanan sa katawan. Hinayaan ng Diyos na pahirapan ako ni Satanas sa aking kapansanan upang hindi ako maging mayabang. 8Tatlong beses akong nakiusap sa Panginoon na alisin ito sa akin. 9Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat ang kapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Kristo. 10Dahil dito, nagagalak ako sa kabila ng aking kahinaan, mga panlalait, mga pasakit, pang-uusig, at sa mga paghihirap alang-alang kay Kristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Diyos.
Ang Malasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto
11Nagmukha na akong hangal, ngunit kayo na rin ang nagtulak sa akin na maging ganito. Dapat sanaʼy pinuri ninyo ako, dahil hindi naman ako nahuhuli sa mga “magagaling” na mga apostol na ʼyan, kahit na wala akong halaga. 12Pinatunayan ko sa inyong akoʼy tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala, kababalaghan, at iba pang mga kamangha-manghang gawain. 13Kung ano ang mga ginawa ko diyan sa inyo, ganoon din ang ginawa ko sa ibang mga iglesya, maliban na lamang sa hindi ko paghingi ng tulong sa inyo. Kung sa inyoʼy isa itong pagkakamali, patawarin sana ninyo ako!
14Handa na ako ngayong dumalaw sa inyo sa ikatlong pagkakataon. At tulad ng dati, hindi ako hihingi ng tulong sa inyo dahil kayo ang gusto ko at hindi ang inyong ari-arian. Di baʼt ang mga magulang ang nag-iipon para sa kanilang mga anak at hindi ang mga anak para sa mga magulang? 15Ang totoo, ikaliligaya kong gugulin ang lahat at ialay pati ang aking sarili para sa inyo. Ngunit bakit katiting lang ang isinusukli ninyo sa labis-labis na pagmamahal ko sa inyo?
16Sumasang-ayon kayo na hindi nga ako naging pabigat sa inyo, ngunit may nagsasabi pa ring nilinlang ko kayo at dinaya sa ibang paraan. 17Ngunit paano? Alam naman ninyong hindi ako nagsamantala sa inyo sa pamamagitan ng mga kapatid na pinapunta ko diyan. 18Noong pinakiusapan ko si Tito upang dalawin kayo, kasama ang isang kapatid, nagsamantala ba siya sa inyo? Hindi! Sapagkat iisang Espiritu ang aming sinusunod, at iisa ang aming layunin.
19Siguro iniisip ninyong ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili. Aba, hindi! Sa harapan ng Diyos at bilang mga mananampalatayang na kay Kristo, sinasabi namin sa inyo, mga minamahal, na lahat ng aming ginagawa ay para sa ikakatibay ng inyong pananampalataya. 20Nag-aalala ako na baka pagdating ko diyan ay makita ko kayong iba sa aking inaasahan at makita rin ninyo akong iba sa inyong inaasahan. Baka madatnan ko kayong nag-aaway-away, nag-iinggitan, nagkakagalit, nagmamaramot, nagsisiraan, nagtsitsismisan, nagpapayabangan, at nagkakagulo. 21Nag-aalala ako dahil baka pagdating ko diyan ay ipahiya ako ng aking Diyos sa inyong harapan. At baka magluksa ako dahil marami sa inyo ang nagkasala at hanggang ngayon ay hindi pa nagsisisi sa kanilang kalaswaan, seksuwal na imoralidad, at kahalayan.
Currently Selected:
2 Mga Taga-Corinto 12: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
2 Corinthians 12
12
1 TRUE, THERE is nothing to be gained by it, but [as I am obliged] to boast, I will go on to visions and revelations of the Lord.
2 I know a man in Christ who fourteen years ago–whether in the body or out of the body I do not know, God knows–was caught up to the third heaven.
3 And I know that this man–whether in the body or away from the body I do not know, God knows–
4 Was caught up into paradise, and he heard utterances beyond the power of man to put into words, which man is not permitted to utter.
5 Of this same [man's experiences] I will boast, but of myself (personally) I will not boast, except as regards my infirmities (my weaknesses).
6 Should I desire to boast, I shall not be a witless braggart, for I shall be speaking the truth. But I abstain [from it] so that no one may form a higher estimate of me than [is justified by] what he sees in me or hears from me.
7 And to keep me from being puffed up and too much elated by the exceeding greatness (preeminence) of these revelations, there was given me a thorn (a splinter) in the flesh, a messenger of Satan, to rack and buffet and harass me, to keep me from being excessively exalted. [Job. 2:6.]
8 Three times I called upon the Lord and besought [Him] about this and begged that it might depart from me;
9 But He said to me, My grace (My favor and loving-kindness and mercy) is enough for you [sufficient against any danger and enables you to bear the trouble manfully]; for My strength and power are made perfect (fulfilled and completed) and show themselves most effective in [your] weakness. Therefore, I will all the more gladly glory in my weaknesses and infirmities, that the strength and power of Christ (the Messiah) may rest (yes, may pitch a tent over and dwell) upon me!
10 So for the sake of Christ, I am well pleased and take pleasure in infirmities, insults, hardships, persecutions, perplexities and distresses; for when I am weak [in human strength], then am I [truly] strong (able, powerful in divine strength).
11 Now I have been [speaking like] a fool! But you forced me to it, for I ought to have been [saved the necessity and] commended by you. For I have not fallen short one bit or proved myself at all inferior to those superlative [false] apostles [of yours], even if I am nothing (a nobody).
12 Indeed, the signs that indicate a [genuine] apostle were performed among you fully and most patiently in miracles and wonders and mighty works.
13 For in what respect were you put to a disadvantage in comparison with the rest of the churches, unless [it was for the fact] that I myself did not burden you [with my financial support]? Pardon me [for doing you] this injustice!
14 Now for the third time I am ready to come to [visit] you. And I will not burden you [financially], for it is not your [money] that I want but you; for children are not duty bound to lay up store for their parents, but parents for their children.
15 But I will most gladly spend [myself] and be utterly spent for your souls. If I love you exceedingly, am I to be loved [by you] the less?
16 But though granting that I did not burden you [with my support, some say that] I was crafty [and that] I cheated and got the better of you with my trickery.
17 Did I [then] take advantage of you or make any money out of you through any of those [messengers] whom I sent to you?
18 [Actually] I urged Titus [to go], and I sent the brother with [him]. Did Titus overreach or take advantage of you [in anything]? Did he and I not act in the same spirit? Did we not [take the] same steps?
19 Have you been supposing [all this time] that we have been defending ourselves and apologizing to you? [It is] in the sight and the [very] presence of God [and as one] in Christ (the Messiah) that we have been speaking, dearly beloved, and all in order to build you up [spiritually].
20 For I am fearful that somehow or other I may come and find you not as I desire to find you, and that you may find me too not as you want to find me–that perhaps there may be factions (quarreling), jealousy, temper (wrath, intrigues, rivalry, divided loyalties), selfishness, whispering, gossip, arrogance (self-assertion), and disorder among you.
21 [I am fearful] that when I come again, my God may humiliate and humble me in your regard, and that I may have to sorrow over many of those who sinned before and have not repented of the impurity, sexual vice, and sensuality which they formerly practiced.
1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation