YouVersion Logo
Search Icon

2 Mga Cronica 27

27
Ang Paghahari ni Jotam sa Juda
(2~Hari 15:32‑38)
1Si Jotam ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Ang kanyang ina ay si Jerusa na anak ni Sadoc. 2Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ng Panginoon, gaya ng ama niyang si Uzias. Ngunit hindi niya ginaya ang kasalanang ginawa ng kanyang ama na labag na pagpasok sa Templo ng Panginoon. Ngunit ang mga tao ay patuloy pa rin sa kanilang masasamang gawain. 3Si Jotam ang nagpatayo ng Hilagang Pintuan ng Templo ng Panginoon, at nagpaayos ng pader sa burol ng Ofel. 4Siya rin ang nagpatayo ng mga bayan sa kaburulan ng Juda, at nagpatayo ng mga pader at mga tore sa mga kagubatan.
5Nakipaglaban si Jotam sa mga Amonita at sa kanilang hari, at tinalo niya sila. Sa taon ding iyon, nagbigay sa kanila ang mga Amonita ng 3,500 kilo ng pilak, 30,000 sako ng trigo, at 30,000 sako ng sebada. Ginawa nila ito hanggang sa ikatlong taon.
6Naging mas makapangyarihan pa si Jotam dahil matapat siyang sumunod sa Panginoon na kanyang Diyos.
7Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jotam, pati ang lahat ng kanyang pakikipaglaban at mga ginawa ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda. 8Si Jotam ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. 9Nang mamatay si Jotam, inilibing siya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Ahaz ang pumalit sa kanya bilang hari.

Currently Selected:

2 Mga Cronica 27: ASD

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for 2 Mga Cronica 27