Sa araw na iyon,
parurusahan ko
ang lahat ng umaapi sa inyo.
Kayoʼy parang mga tupang napilay
at pinaghiwa-hiwalay,
ngunit ililigtas ko kayo
at titipuning muli.
Inilagay kayo sa kahihiyan noon,
ngunit kayoʼy pararangalan ko
at gagawing tanyag
sa buong mundo.