1
Pahayag 7:9
Ang Salita ng Diyos
ASD
Pagkatapos nito, nakita ko ang napakaraming tao na hindi mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero. Nakadamit silang lahat ng puti at may hawak na mga palaspas.
Compare
Explore Pahayag 7:9
2
Pahayag 7:10
Sumisigaw sila nang malakas, “Ang kaligtasan ay mula sa Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero.”
Explore Pahayag 7:10
3
Pahayag 7:17
Sapagkat ang Korderong nasa trono ang magiging pastol nila, at silaʼy dadalhin sa mga bukal na nagbibigay-buhay. At papahirin ng Diyos ang luha sa kanilang mga mata.”
Explore Pahayag 7:17
4
Pahayag 7:15-16
Kaya, nasa harap sila ng trono ng Diyos. Naglilingkod sila sa kanya araw at gabi sa kanyang Templo. At ang Diyos na nakaupo sa trono ang siyang kublihan nila. Hindi na sila magugutom o mauuhaw pang muli. At hindi na rin mabibilad o mapapaso sa sinag ng araw.
Explore Pahayag 7:15-16
5
Pahayag 7:3-4
Sinabi niya, “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hanggaʼt hindi pa natin natatatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” Ayon sa narinig ko, 144,000 ang lahat ng tinatakan mula sa labindalawang lahi ng Israel.
Explore Pahayag 7:3-4
Home
Bible
Plans
Videos