Ngunit kung gagawa ang PANGINOON ng kamangha-manghang bagay, at mabibiyak ang lupa, at lalamunin sila nang buháy, kasama ang lahat ng mga ari-arian nila papunta sa mundo ng mga patay, dito malalaman ninyong ang mga taong ito ang nagtakwil sa PANGINOON.”
Pagkatapos magsalita ni Moises, nabiyak ang lupa na kinatatayuan nina Datan at Abiram, at nilamon sila ng lupa pati ang kanilang pamilya, kasama ang lahat ng tagasunod ni Kora at ang lahat ng kanilang ari-arian.