Mga Bilang 16:1-2
Mga Bilang 16:1-2 ASD
Ngayon, nagrebelde kay Moises si Kora na anak ni Izar, mula sa angkan ni Kohat na anak ni Levi. Kasama niya sa pag-aaklas sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, at si On na anak ni Pelet na mula sa lahi ni Ruben. Kasama nila ang 250 lalaking Israelita na kilala at pinili ng mga pinuno mula sa kapulungan ng Israel.





