Sa panaginip o sa pangitain,
habang ang mga taoʼy natutulog
nang mahimbing,
habang silaʼy nagpapahinga
sa kanilang mga higaan,
bumubulong siya sa kanilang mga tainga
upang magbigay ng babala,
at ito ang nakapagpatakot sa kanila.
Ginagawa niya ito upang pigilan ang mga tao
sa paggawa ng kasalanan at pagmamataas,
at upang mailigtas sila sa libingan
at hindi mamatay sa talim ng tabak.