Job 33:15-18
Job 33:15-18 ASD
Sa panaginip o sa pangitain, habang ang mga taoʼy natutulog nang mahimbing, habang silaʼy nagpapahinga sa kanilang mga higaan, bumubulong siya sa kanilang mga tainga upang magbigay ng babala, at ito ang nakapagpatakot sa kanila. Ginagawa niya ito upang pigilan ang mga tao sa paggawa ng kasalanan at pagmamataas, at upang mailigtas sila sa libingan at hindi mamatay sa talim ng tabak.





