Sa mga araw na iyon magkasamang kakain
ang asong lobo at mga tupa,
pati mga leon at mga baka
ay kakain ng damo.
At ang mga ahas
ay hindi na manunuklaw.
Wala nang mamiminsala
o gigiba sa aking banal na bundok ng Zion.
Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.”