Isaias 65:22
Isaias 65:22 ASD
Hindi na ang mga kaaway nila ang makikinabang sa kanilang mga bahay at mga pananim. Sapagkat kung papaanong ang punongkahoy ay nabubuhay nang matagal, ganoon din ang aking mga mamamayan at lubos nilang pakikinabangan ang kanilang pinaghirapan.





