Jerusalem, nagtalaga ako
ng mga tagapagbantay
sa iyong mga pader.
Hindi sila titigil araw-gabi
sa pagbibigay ng babala
sa mga mamamayan mo.
Kayong mga nananalangin
sa PANGINOON,
huwag kayong titigil
sa inyong pananalangin.
Huwag ninyong titigilan
ang PANGINOON
hanggang sa muli niyang itayo
ang Jerusalem
at gawin itong lugar na kapuri-puri
sa buong mundo.