Ang Espiritu ng Makapangyarihang PANGINOON
ay sumasaakin.
Sapagkat hinirang niya ako
na mangaral ng magandang balita
sa mga dukha.
Sinugo niya ako para aliwin
ang mga sugatang-puso,
at para ipahayag sa mga bihag
at mga bilanggo na silaʼy malaya na.
Sinugo rin niya ako para ipahayag
na ngayon na ang panahon
na ililigtas ng PANGINOON
ang kanyang mga mamamayan
at parurusahan ang kanilang mga kaaway.
Sinugo rin niya ako
para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion,
nang sa ganoon,
sa halip na maglagay sila ng abo
sa kanilang ulo bilang tanda
ng pagdadalamhati,
maglalagay sila ng langis
o ng koronang bulaklak
sa kanilang ulo
bilang tanda ng kaligayahan.
Silaʼy magiging parang matibay na puno
na itinanim ng PANGINOON.
Kikilalanin silang mga taong matuwid
sa ikakaluwalhati ng PANGINOON.