1
Genesis 50:20
Ang Salita ng Diyos
ASD
Binalak nga ninyong gawan ako ng masama, ngunit binalak naman ng Diyos na magdulot ito ng mabuti upang mailigtas ang maraming buhay na siyang nangyayari ngayon.
Compare
Explore Genesis 50:20
2
Genesis 50:19
Ngunit sumagot si Jose, “Huwag kayong matakot. Bakit, ako ba ang Diyos?
Explore Genesis 50:19
3
Genesis 50:21
Kaya huwag kayong matakot. Aalagaan ko kayo at ang inyong mga anak.” Malumanay siyang nagsalita sa kanila at napanatag ang kanilang kalooban sa sinabi niya.
Explore Genesis 50:21
4
Genesis 50:17
‘Ito ang sabihin ninyo kay Jose: Hinihiling ko sa saʼyo na patawarin mo ang mga kasalanan at pagkakasala ng iyong mga kapatid, dahil masama ang ginawa nila saʼyo.’ Kaya ngayon, patawarin mo sana kaming mga lingkod ng Diyos ng ating ama.” Nang marinig ni Jose ang kanilang mensahe, umiyak siya.
Explore Genesis 50:17
5
Genesis 50:24
Ngayon, sinabi ni Jose sa kanyang mga kamag-anak, “Malapit na akong mamatay, ngunit hindi kayo pababayaan ng Diyos. Kukunin niya kayo sa lugar na ito at dadalhin sa lugar na ipinangako niya kay Abraham, Isaac at Jacob.”
Explore Genesis 50:24
6
Genesis 50:25
Pagkatapos, pinasumpa ni Jose ang mga Israelita. Sinabi niya, “Ipangako ninyo na kung paaalisin na kayo rito ng Diyos, dadalhin din ninyo ang mga buto ko sa pag-alis nʼyo sa lupaing ito.”
Explore Genesis 50:25
7
Genesis 50:26
At namatay si Jose sa edad na 110. Inembalsamo siya at inilagay sa isang kabaong doon sa Ehipto.
Explore Genesis 50:26
Home
Bible
Plans
Videos