Genesis 50:17
Genesis 50:17 ASD
‘Ito ang sabihin ninyo kay Jose: Hinihiling ko sa saʼyo na patawarin mo ang mga kasalanan at pagkakasala ng iyong mga kapatid, dahil masama ang ginawa nila saʼyo.’ Kaya ngayon, patawarin mo sana kaming mga lingkod ng Diyos ng ating ama.” Nang marinig ni Jose ang kanilang mensahe, umiyak siya.





