1
Genesis 37:5
Ang Salita ng Diyos
ASD
Isang gabi, nanaginip si Jose. Nang isalaysay niya ito sa mga kapatid niya, lalo silang nagalit sa kanya.
Compare
Explore Genesis 37:5
2
Genesis 37:3
Mas mahal ni Jacob si Jose kaysa sa iba niyang mga anak, dahil matanda na siya nang isilang si Jose. Kaya itinahi niya si Jose ng maganda at mahabang damit.
Explore Genesis 37:3
3
Genesis 37:4
Ngunit nang napansin ng mga kapatid ni Jose na mas mahal siya ng kanilang ama kaysa sa kanila, nagalit sila kay Jose at naging marahas ang kanilang pananalita sa kanya.
Explore Genesis 37:4
4
Genesis 37:9
Muling nanaginip si Jose at isinalaysay na naman niya sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Nanaginip ako ulit na nakita ko ang araw, ang buwan at ang labing-isang bituin na yumuyuko sa akin.”
Explore Genesis 37:9
5
Genesis 37:11
Nainggit ang mga kapatid ni Jose sa kanya, ngunit si Jacob ay sinarili na lamang ang bagay na ito.
Explore Genesis 37:11
6
Genesis 37:6-7
Sapagkat ito ang isinalaysay niya, “Nanaginip ako na habang naroon tayo sa bukid na nagbibigkis ng mga uhay, bigla na lang tumindig ang ibinigkis ko at pinaikutan ito ng inyong mga ibinigkis na uhay na nakayuko.”
Explore Genesis 37:6-7
7
Genesis 37:20
at ihulog sa isa sa mga balon dito. Sabihin na lang natin na pinatay siya ng mabangis na hayop. Tingnan nga natin kung magkakatotoo ang mga panaginip niya.”
Explore Genesis 37:20
8
Genesis 37:28
Kaya pagdaan ng mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose mula sa balon at ipinagbili nila sa halagang dalawampung pirasong pilak. At dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
Explore Genesis 37:28
9
Genesis 37:19
Sinabi nila, “Narito na ang mahilig managinip! Halikayo, patayin natin siya
Explore Genesis 37:19
10
Genesis 37:18
Ngunit malayo pa lamang si Jose ay nakita na siya ng kanyang mga kapatid. At bago pa siya makarating, binalak na nila na patayin siya.
Explore Genesis 37:18
11
Genesis 37:22
Ihulog nʼyo na lang siya rito sa balon sa ilang, ngunit huwag ninyo siyang papatayin.” Sinabi iyon ni Ruben dahil plano na niyang iligtas si Jose at ibalik sa kanilang ama.
Explore Genesis 37:22
Home
Bible
Plans
Videos