Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Resulta ng Paghahanap

Santiago 5:14 (RTPV05)

Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesya upang ipanalangin kayo at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.

Santiago 5:15 (RTPV05)

Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang kanyang mga kasalanan.

Santiago 5:16 (RTPV05)

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Marcos 5:34 (RTPV05)

Subalit sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na at ipanatag mo ang iyong kalooban. Ikaw ay magaling na.”

Juan 5:8 (RTPV05)

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.”

1 Pedro 2:24 (RTPV05)

Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo'y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.

Mga Gawa 4:30 (RTPV05)

Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng inyong banal na Lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga himala.”

Isaias 53:5 (RTPV05)

Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

Mga Awit 103:3 (RTPV05)

Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.

Mga Awit 147:3 (RTPV05)

At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

Job 5:18 (RTPV05)

Ginagamot niya ang kanyang nasugatan, pinapagaling niya ang kanyang nasaktan.

Lucas 9:2 (RTPV05)

Isinugo sila ni Jesus upang mangaral tungkol sa paghahari ng Diyos at upang magpagaling ng mga maysakit.

Mateo 4:23 (RTPV05)

Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman.

Jeremias 8:15 (RTPV05)

Naghintay tayo ng kapayapaan ngunit walang nangyari; umasa ng kaligtasan ngunit kakila-kilabot na hirap ang dumating sa atin.

Nahum 3:19 (RTPV05)

Wala man lang gumamot sa iyong sugat na malubha at nagnanaknak. Lahat ng makabalita sa sinapit mo ay natutuwa't pumapalakpak, sapagkat ginawan mo silang lahat nang napakasama.

Mga Gawa 4:9 (RTPV05)

kung sinisiyasat ninyo kami ngayon tungkol sa kabutihang ginawa namin sa lumpong ito at kung paano siya gumaling,

Jeremias 14:19 (RTPV05)

Yahweh, lubusan mo na bang itinakwil ang Juda? Kinapootan mo na ba ang mga taga-Zion? Bakit ganito kalubha ang parusa mo sa amin, parang wala na kaming pag-asang gumaling? Naghanap kami ng kapayapaan ngunit nabigo kami; umasa kaming gagaling ngunit sa halip takot ang dumating.

Juan 4:52 (RTPV05)

Tinanong niya ang mga iyon, “Anong oras nang bumuti ang kalagayan niya?” “Ala-una po kahapon nang siya'y mawalan ng lagnat,” tugon nila.

Jeremias 8:16 (RTPV05)

Naririnig hanggang sa lunsod ng Dan ang ingay ng mga kabayo ng kaaway. Nanginginig na sa takot ang buong bansa sa yabag pa lamang ng mga kabayong pandigma. Dumating na ang wawasak sa ating lupain at sa lahat ng naroon; sa ating lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.”

Jeremias 8:14 (RTPV05)

“Bakit tayo nakaupo at walang ginagawa?” tanong nila. “Halina kayo, tayo'y magtago sa mga lunsod na matibay, at doon na tayo mamatay. Hinatulan na tayo ni Yahweh na ating Diyos upang mamatay. Binigyan niya tayo ng tubig na may lason upang inumin sapagkat nagkasala tayo sa kanya.

Nahum 3:18 (RTPV05)

Ang mga pinuno mo'y patay na, Asiria, gayon din ang iyong mga maharlika. Nagkalat sa parang ang iyong mamamayan at walang magtipon sa kanila.

Jeremias 14:20 (RTPV05)

Yahweh, kinikilala namin ang aming kasamaan, at ang pagtataksil ng aming mga magulang; kaming lahat ay nagkasala sa iyo.

Mga Gawa 4:8 (RTPV05)

Sumagot si Pedro na puspos ng Espiritu Santo, “Mga tagapanguna at pinuno ng bayan,

Jeremias 14:18 (RTPV05)

Kapag lumabas ako sa kabukiran, nakikita ko ang mga nasawi sa digmaan; kapag ako'y pumunta sa mga bayan, naroon naman ang mga taong namamatay sa gutom. Patuloy sa kanilang gawain ang mga propeta at mga pari, subalit hindi nila alam kung ano ang kanilang ginagawa.”

Juan 4:51 (RTPV05)

Sa daan pa lamang ay sinalubong na siya ng kanyang mga alipin at sinabing gumaling na ang kanyang anak.