Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: Nardo

Ang Awit ni Solomon 4:13 (RTPV05)

Halaman ay magaganda, waring hardin ng granada, namumukod, natatangi ang kanyang mga bunga— mahalimuyak ang mga nardo, mababango ang hena.

Ang Awit ni Solomon 4:14 (RTPV05)

Nardo at safron, mabangong kanela at kalamo, at lahat ng punongkahoy ay may samyo ng insenso, mira, at aloe na pangunahing pabango.

Juan 12:3 (RTPV05)

Kumuha naman si Maria ng isang bote ng mamahaling pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok. At humalimuyak sa buong bahay ang amoy ng pabango.

Marcos 14:3 (RTPV05)

Nasa Bethania noon si Jesus, sa bahay ni Simon na may ketong. Habang siya'y kumakain, dumating ang isang babaing may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango mula sa katas ng purong nardo. Binasag niya ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus.

Ang Awit ni Solomon 1:12 (RTPV05)

Habang siya'y nakahimlay, tila hari ang katulad, ako nama'y magsasabog ng mabangong halimuyak.

Ang Awit ni Solomon 4:12 (RTPV05)

Katulad ng isang hardin itong aking minamahal, na may bakod sa palibot at sarili ang bukal.

Juan 12:4 (RTPV05)

Ito'y pinuna ni Judas Iscariote, ang alagad na magkakanulo sa kanya. Sinabi niya,

Marcos 14:4 (RTPV05)

Nagalit ang ilang naroroon at sila'y nag-usap-usap, “Bakit niya inaksaya ang pabango?

Juan 12:2 (RTPV05)

Isang hapunan ang inihanda roon para sa kanya. Si Lazaro ay isa sa mga kasalo ni Jesus samantalang si Marta naman ay tumutulong sa paglilingkod sa kanila.

Ang Awit ni Solomon 1:11 (RTPV05)

Ika'y aming igagawa ng kuwintas na gintong lantay, palamuting ikakabit ay pilak na dinalisay.

Marcos 14:2 (RTPV05)

“Huwag sa kapistahan at baka manggulo ang mga tao,” sabi nila.

Ang Awit ni Solomon 1:13 (RTPV05)

Ang samyo ng aking mahal ay katulad nitong mira, habang siya sa dibdib ko'y nakahilig na masaya.

Ang Awit ni Solomon 4:15 (RTPV05)

Ang tubig na ginagamit na pandilig nitong hardin, ay ang agos ng tubig na sa Lebanon pa nanggagaling.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya