Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: Mandragora

Genesis 30:15 (RTPV05)

Sinagot siya ni Lea, “Hindi ka pa ba nasisiyahang nakuha mo ang aking asawa, at ngayo'y gusto mo pang kunin pati mondragora ng aking anak?” Sinabi ni Raquel, “Bigyan mo ako ng mondragora, sa iyo na si Jacob ngayong gabi.”

Genesis 30:14 (RTPV05)

Anihan na noon ng trigo. Samantalang naglalakad sa kaparangan, si Ruben ay nakakita ng bunga ng mondragora at dinala niya ito kay Lea na kanyang ina. “Bigyan mo naman ako ng mondragorang dala ng iyong anak,” pakiusap ni Raquel kay Lea.

Genesis 30:16 (RTPV05)

Gabi na nang dumating noon si Jacob galing sa kaparangan. Sinalubong agad siya ni Lea at sinabi, “Sa akin ka sisiping ngayong gabi; si Raquel ay binigyan ko ng mondragorang dala ng aking anak para sa karapatang ito.” Nagsiping nga sila nang gabing iyon,

Ang Awit ni Solomon 7:13 (RTPV05)

Ang halaman ng mondragora ay iyo ngang masasamyo, bungangkahoy na masarap ay naroon sa ating pinto, ito'y aking inihanda, inilaan ko sa iyo, at lahat ng kaaliwan, maging luma maging bago.

Genesis 30:13 (RTPV05)

Sinabi ni Lea, “Masayang-masaya ako! Masaya ang itatawag sa akin ng mga babae.” Kaya't tinawag niyang Asher ang bata.

Ang Awit ni Solomon 7:12 (RTPV05)

At pagdating ng umaga, isa-isa nating tingnan kung ang puno'y nagsusupling, bulaklak ay lumilitaw; ganoon din ang granada, tingnan natin ang bulaklak, at doon ay lasapin mo ang pag-ibig kong matapat.

Ang Awit ni Solomon 8:1 (RTPV05)

Bakit kaya ika'y hindi naging isa kong kapatid? Inaruga ng ina ko, lumaki sa kanyang dibdib, upang kahit sa lansangan, kung sa iyo ay humalik ay di tayo papansinin, pagkat tayo'y magkapatid.

Genesis 30:17 (RTPV05)

at dininig ng Diyos ang dalangin ni Lea. Nagdalang-tao siya at ito ang panlimang anak nila ni Jacob.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya