Resulta ng Paghahanap
Mga Taga-Efeso 4:26 (RTPV05)
Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.
Santiago 1:19 (RTPV05)
Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.
Santiago 1:20 (RTPV05)
Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao'y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
Mga Taga-Efeso 4:31 (RTPV05)
Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.
Mga Taga-Efeso 4:32 (RTPV05)
Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Mga Kawikaan 19:11 (RTPV05)
Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan.
Mateo 5:22 (RTPV05)
Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno.
Mga Awit 37:8 (RTPV05)
Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka.
Mga Kawikaan 14:29 (RTPV05)
Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan.
Mga Kawikaan 15:1 (RTPV05)
Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.
Ang Mangangaral 7:9 (RTPV05)
Pag-aralan mong magpigil sa sarili; mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.
Mga Kawikaan 29:11 (RTPV05)
Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.
Mga Kawikaan 16:32 (RTPV05)
Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan.
Mga Kawikaan 15:18 (RTPV05)
Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan.
Mga Taga-Roma 12:19 (RTPV05)
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”
Mga Taga-Colosas 3:8 (RTPV05)
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita.
2 Samuel 13:21 (RTPV05)
Galit na galit si Haring David nang mabalitaan ito.
Job 16:14 (RTPV05)
Paulit-ulit niya akong sinusugatan, para siyang mandirigmang galit na galit sa kalaban.
Genesis 40:2 (RTPV05)
Sa galit nito,
Mga Awit 90:7 (RTPV05)
Sa tindi ng iyong galit, para kaming nauupos, sa simbuyo ng galit mo'y lubos kaming natatakot.
Daniel 8:6 (RTPV05)
Galit na galit na sinugod niya ang barakong tupa na nakita kong nakatayo sa pampang ng ilog.
Mga Bilang 24:10 (RTPV05)
Galit na galit si Balac kay Balaam. Nanggigil siya sa galit at kanyang sinabi, “Ipinatawag kita upang sumpain ang aking mga kaaway. Ngunit anong ginawa mo? Tatlong beses mo pa silang binasbasan!
Habakuk 3:12 (RTPV05)
Galit na galit kayong naglakad sa buong daigdig, at sa tindi ng poot ninyo, ang mga bansa ay niyurakan.
Deuteronomio 9:20 (RTPV05)
Galit na galit din siya kay Aaron, at ibig na rin niya itong patayin, kaya nanalangin ako para sa kanya.
Mga Awit 18:7 (RTPV05)
Ang buong lupa ay nauga at nayanig, pundasyon ng mga bundok ay nanginig, sapagkat ang Diyos ay galit na galit!