Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsamba sa Panahon ng AdbiyentoHalimbawa

Advent Adoration by Vertical Worship

ARAW 4 NG 4


Kagalakan. 


Walang kagalakan na tulad ng kagalakan ng pagtuklas. 


“Ngayon ko lang natuklasan ang bagong restawran na ito!” 


“Natuklasan ko lang ang bagong palabas na ito sa TV!”


“Natuklasan ko lang ang bagong banda na ito!”


“Ngayon ko lang natuklasan na may dagdag akong oras sa bakasyon!” 


“Natuklasan kong mayroon akong isang mayamang kamag-anak na nag-iwan sa akin ng milyun-milyong dolyar na pamana!”


Ang kagalakan ay marahil ang pinakamalalim, pinaka-karaniwang nag-uudyok sa lahat ng mga tao sa lahat ng oras. Nagsusumikap tayo para sa kagalakan, para sa kaligayahan. Kapag may natuklasan kang talagang napakahusay, hindi mo maiwasang tumugon. Parang may hinuhugot ito sa iyo. Ang sandaling iyon ng pagtuklas, na may biglang tuwa sa isang bagay na tunay na mabuti - iyon ang kagalakan. 


Madalas nating napapalampas ang pagkakataon sa kagalakan dahil sa isang bagay: takot. 


Ang kwentong Pasko ay isang kwento tungkol sa isang bagay na tunay na mabuti, at kung ano ang nangyayari kapag tinanggap natin ang Diyos sa kanyang salita, sa gitna ng ating mga kinakatakutan: natutuklasan natin ang kagalakan, at ang kagalakan na iyon ay naglalabas ng papuri. 


Luacs 2:8-20


“…Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon.” 


Ang mga pastol ay kabilang sa mga unang nakarinig ng mabuting balita. Walang espesyal sa kanila. Nasa trabaho sila. Karaniwan lang ang tagpuan. Mahalaga ang mga detalyeng ito. 


Pupuntahan ka ng Diyos kung saan ka naroon. Hindi ka niya pinabibihis. Hindi ka Niya bibigyan ng isang direksyon sa dulo ng mundo, kung saan Siya matatagpuan. Hahanapin ka Niya. Saktong dumarating Siya sa lugar kung saan tila hindi mo Siya akalaing darating. 


At pagdating Niya, alam mo ito. 


Lucas 2:9


"Lumapit at tumayo sa kalagitnaan nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang nakakasilaw na kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot."


Walang pagdududa kapag ang isang tao ay nasa presensya ng Diyos. Mayroong nauugnay na kondisyon: takot. Ang kaluwalhatian ng Diyos at takot ng tao ay naiuugnay.  


Iniiwasan natin ang takot tulad ng salot, at sa mabuting kadahilanan. Sino ang may gusto ng takot? Ngunit ang ating pag-ayaw sa takot ay may hindi sinasadyang kahihinatnan. 


Ang ating pag-ayaw sa takot ay nakabingi sa atin sa mensahe na napapakinggan lamang sa pamamagitan ng ating takot. Iniiwasan natin ang ating takot, ngunit sa paggawa nito, nakakaligtaan natin ang ating kagalakan. 


Lucas 2:10a


Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot…"


Ang takot, sa anupamang dahilan, ay inilalagay tayo sa kasalukuyan. Ginagawa tayong alerto sa ngayon. Tulad ng pagdinig ng isang nakakagulat na ingay nang hindi mo inaasahan. Biglaan, ikaw ay makikinig na mabuti. 


Madalas nating sinusubukang magtago mula sa ating mga kinakatakutan, o nagiging manhid tayo sa kanila, o sinusubukan na makita ang bawat posibleng sitwasyon at kontrolin ang bawat posibleng bagay upang maibsan ang ating takot. Ngunit paano kung binibigyan tayo ng Diyos ng mga takot na ito upang mailagay tayo sa kasalukuyan, upang matulungan tayong makinig? 


Alam mo, kapag nakikinig tayo sa Diyos sa gitna ng ating mga takot, kamangha-mangha ang mensahe: huwag kang matakot. 


Lucas 2:10b


“…Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.”


Ang kagalakan ay hindi lamang ang katotohanang wala tayong kinakatakutan - ang kagalakan ay nakikita kung paano ang ating pinakamagandang hangarin, ang isang hangaring pamunuan ng lahat ng mga hangarin, ay natupad. 


Masdan! Mayroong mabuting balita kung saan dapat kang magpatotoo! Kapag ginawa mo ito, ito ay magiging iyong malaking kagalakan! 


Lucas 2:11


“Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon."  


Masdan! Narito ang Diyos. Siya ay naparito upang iligtas ka ngayon at magpakailanman. Siya ay naparito upang tuparin ang Kanyang pangako. Ang mga araw ng kasamaan ay nabibilang. Titigil na ang kalungkutan. Darating din ang katarungan. Wala na ang takot. Kapag nakalimutan mo, paalalahanan ka Niya. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang iyong sarili. Hindi mo kailangang panagutan ang iyong mga kasalanan. Ang mapagpasyang salita na hinihintay mo na marinig sa iyong buong buhay ay binigkas na. 


Ang malaking kagalakan ng mundo ay narito na.< /p>

Ngunit mukhang iba ito kaysa sa maaari mong inaasahan. 


Lucas 2:12


“Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”


Wala ito sa isang palasyo. 


Hindi ito marangya, hindi ito malaki. 


Wala ito sa isang marangyang palabas. 


Wala ito sa mas malaking bahay o sa mas magandang kotse.  


Wala ito sa walang lamang pangako ng pag-unlad. 


Wala ito sa inaakalang mga buhay-pangarap ng mayayaman at tanyag. 


Ni hindi sa iyong sariling pagtatangka upang maging isang mas mahusay na tao. 


Maliit ito at madaling makaligtaan. 


Nakatago ito sa pinaka-hindi-inaakalang lugar. 


Doon, sa sabsabang iyon, nakasalalay ang lahat ng kagalakan na iyong pinangahasang asahan. 


Lucas 2:15-16


Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” Nagmamadali silang pumaroon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 


Matapos tingnan, ang mga pastol ay nakipagsapalaran. May itinaya sila sa balitang ito. 


Dito tayo nahihirapan. 


Ginagampanan ng modernong panghihikayat ang hangarin natin ng kagalakan sa lahat ng oras. Ang ating mga isipan ay napupuno ng mga huwad na pangako: “Umayon ka uso na ito, sa ugnayan na ito, sa landas ng karera na ito, sa bagong telepono, sa pinuno ng politika, sa bagong pamamaraan ng pagpapalaki ng mga bata… at magkakaroon ka ng kagalakan!” 


At sa gayon nakikibagay tayo. Paulit-ulit na namumuhunan tayo sa napakaliit na pangako, at tayo'y nabibigo. Gumastos tayo ng napakalaki na napakaliit ng kapalit. Nailalagay natin ang gusto nating pinuno sa pulitika sa opisina at pagkatapos, nararamdaman natin na may kakulangan pa rin. Hindi nakakagulat na napakahirap makarinig ng magandang balita. Hindi nakakagulat na nagdududa tayo. 


Ngunit hindi tayo dapat mag-alinlangan sa Diyos. Hindi tayo pababayaan ng Kanyang salita. Ang Kanyang salita ay "mabuting balita ng labis na kagalakan." Ito ay balita patungkol sa isang kaganapan. 


Kapag inilagay natin ang ating buhay sa mabuting balita na ito, ang kamangha-manghang pagkatuklas na ito, magkakaroon tayo ng labis na kagalakan. At ang kagalakan na ito ay naglalabas ng isang bagay sa atin: papuri. 


Lucas 2:20


“Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.”


Ang kagalakan ay laging nauuna sa papuri. Kahit na sa mumunting kagalakan, tulad ng isang masarap na pagkain, hindi mo maiwasang maipahayag ang iyong kasiyahan. “Mmmm! Masarap ito! ” Gaano pa kaya ang tunay na kagalakan na maglalabas ng papuri sa atin? 


Ngayong Pasko, huwag matakot na paniwalaan ang salita ng Diyos saan ka man naroroon, sa gitna ng iyong mga kinakatakutan. Tingnan ang magandang balitang ito at tuklasin ang iyong malaking kagalakan! Tanggapin iyon at itaya ang lahat dito. 


Hindi ka mabibigo. Sa iyong kagalakan, mag-uumapaw ka ng papuri. 


...


Panalangin:


Diyos ko, kahit na natatakot ako, tulungan Mo akong maniwala sa Iyong salita. Tulungan Mo akong matuklasan ang kagalakan. 


Pagsasanay: 


Gumawa ng isang listahan ng mga paraang labis kang namuhunan sa isang napakaliit na bagay. Hilingin sa Diyos na tulungan kang aktibong makinig sa mabuting balita na ito at huwag matakot. 


——————————


Banal na Kasulatan

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Advent Adoration by Vertical Worship

Pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, kagalakan. Ang mga salitang ito ay madalas bigkasin sa mga panahon ng kapaskuhan, ngunit naaalala ba natin kung bakit?  Ang kuwento ng Pasko ay ang kuwento kung paano namagitan ang Diyos ...

More

Nais naming pasalamatan si Jon Guerra ng Vertical Worship at Essential Worship para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: https://www.verticalofficial.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya