Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 24 NG 70

Hindi Lamang Isang Ordinaryong Sanggol

Hindi para sa isang ordinaryong sanggol lamang ang mapangunahan ng maraming pahayag tungkol sa Kanyang kapanganakan, buhay, at kamatayan.

Ang isang ordinaryong sanggol ay hindi ipagdadalang-tao sa pinaka-milagrosong paraan na puwede.

Ang isang ordinaryong sanggol ay hindi magkakaroon ng isang pagpapahayag ng kapanganakan mula sa hukbo ng langit. 

Ang isang ordinaryong sanggol ay hindi makakapukaw sa mga pastol para iwanan ang kanilang mga tupa at hanapin Siya.

Ang isang ordinaryong sanggol ay hindi makakahikayat ng mga marurunong na lalaki mula sa silangan na makipagsapalaran para hanapin Siya.

Ang isang ordinaryong sanggol ay hindi kayang gawing sulit ang buong buhay na paghihintay ni Simeon at magdadala ng papuri sa mga labi ni Ana.

Ang isang ordinaryong sanggol ay hindi makakayanan na gawing nakakakita ang bulag, nakakarinig ang bingi, at magbigay ng kalayaan sa taong pinaghaharian ng demonyo, magbigay ng buhay sa patay, at kapatawaran sa nagkasala.

Ang isang ordinaryong sanggol ay hindi kayang maging Kordero ng Diyos na buong kaloobang kukunin ang kasalanan ng mundo.

Hindi, Siya ay hindi isang ordinaryong sanggol. Siya ang Jesu-Cristo, Hari ng mga Hari, at Panginoon ng mga Panginoon, noon, ngayon, at magpakailanman.

Gawain: Basahin ang kuwento ng kapanganakan sa Mabuting Balita ni Lucas (1:26-2:21).

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito. 

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18