Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Sino si Jesus?Halimbawa

Who Is Jesus?

ARAW 2 NG 5

Si Jesus Ang Kaibigan Ng mga Makasalanan


Ang karinderya sa oras ng tanghalian ay hindi palaging ang pinakamalugod na lugar. 



Ang mga oras ng pagkain ay maaaring pagkakataon na isama ang mga tao o ibukod ang mga tao. Ang mga ito ay maaaring lumikha ng mga hadlang, o sumira ng mga ito. Ang tao, o mga tao, na makakasama mo at kumakain sa oras ng tanghalian ay madalas na nagsasabi sa mga tumitingin kung sino ang tinatanggap at niyayakap mo 



Ang mga oras ng pagkain noong kapanahunan ni Jesus ay nagsalaysay ng katulad na uri ng kuwento. 



Ang mga pinuno ng relihiyon ay madalas na pinupuna si Jesus dahil sa mga taong kasama Niya sa pagkain, dahil sa kulturang iyon ang mga oras ng pagkain ay simbolo ng pagkakaibigan at pagtanggap, at ang ikinagulat ng iba ay kumain si Jesus kasama ng mga taong magulo, makasalanan, at tila malayo sa Diyos. 



“Nang makita Siya ng mga guro ng kautusan na mga Pariseo na kumakain kasama ng mga “makasalanan” at mga maniningil ng buwis, tinanong nila ang Kanyang mga alagad: “Bakit siya kumakaing kasama ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” (vs. 16).



Ngunit tumugon si Jesus sa pagsasabing, “Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.” (vs. 17).



Bahagi ng pagkakakilanlan ni Jesus ay ang Kanyang reputasyon sa pagiging “kaibigan ng mga makasalanan”. 



Kung iniisip mo ang kaharian ng Diyos bilang isang partido, ang mga Pariseo ay nais lamang na anyayahan ang mga katanggap-tanggap sa lipunan, ang mga mamamayang may maayos na moralidad nang mga panahong iyon na sumusunod sa mga tuntunin at mukhang napakarelihiyoso. 



Si Jesus naman ay nag-aanyaya sa lahat. Hindi mahalaga kung ano ang iyong nagawa o kung gaano kalala ang iyong ginawa - inaanyayahan ka sa pagsasalo-salo ng Diyos sa pamamagitan ng isang relasyon sa Kanya. May puwang sa Kanyang hapag para sa mga rebelde at lumalabag sa batas.



Ikinagagalit ito ng mga Pariseo dahil iniisip nila na ang kabanalan, kadalisayan sa moral, o tamang pag-uugali ay humahantong sa isang relasyon sa Diyos. Ngunit alam ni Jesus na ang kabanalan, o tamang pamumuhay, ang nagbubunga ng kaugnayan sa Diyos. 



Upang sabihin ito sa ibang paraan: Sa halip na, magbago ka, bago ka mahalin ng Diyos, si Jesus ay inaanyayahan tayong maniwala, Mahal ka ng Diyos at kaya kang baguhin ng Kanyang pagmamahal. Si Jesus ay hindi nagsimula sa pamumuhay; Nagsisimula Siya sa pag-ibig ng Diyos, dahil alam Niya na ang pag-ibig ng Diyos, sa paglipas ng panahon, ay magbabago sa ating pagkatao at sa ating buhay. 



Sa pamamagitan ni Jesus, inaanyayahan tayo ng Diyos na mapabilang bago tayo maniwala at bago pa man tayo kumilos, dahil ang ating paanyaya sa partido ng Diyos ay hindi batay sa ating kabutihan, ito ay nakabatay sa Kanyang biyaya. 



Ang hapag ni Hesus ay nagkukuwento tungkol sa magiliw na pagtanggap ng Diyos sa lahat ng iba't ibang uri ng tao. 



Ano kayang uri ng kuwento ang sinasabi ng ating mga hapag-kainan? 


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Who Is Jesus?

Si Jesus ang pangunahing tauhan sa pananampalatayang Cristiano, at ang 5-araw na gabay na ito ay tumitingin nang mas malalim sa kung sino Siya: isang nagpapatawad ng mga kasalanan, isang kaibigan ng mga makasalanan, ang ...

More

Ang gabay na ito ay inihahatid sa iyo ng Alpha at ng Alpha Youth Series, isang interaktib na 13-bahaging serye na tumutuklas sa mga pinakamalalaking tanong sa buhay. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://alpha.org/youth

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya