Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)Halimbawa

My Utmost For His Highest

ARAW 4 NG 30

"Ang Panginoon iyon!"

Wika ni Jesus sa kanya, ‘Maaari mo ba akong bigyan ng maiinom?’” (Juan 4:7). Ilan sa atin ang umaasang papawiin ni Jesus ang ating uhaw samantalang ang dapat nating ginagawa ay ang bigyan Siya ng kasiyahan! Ang marapat nating gawin ay ibuhos ang ating mga buhay, ipamuhunan ang lahat ng kung ano tayo, hindi ang kumuha sa Kanya upang bigyan ng kasiyahan ang ating mga sarili. “kayo'y magiging mga saksi ko. . .” (Mga Gawa 1:8). Ang ibig sabihin niyan ay mga buhay na dalisay, hindi matinag, at hindi mapigilan ang debosyon sa Panginoong Jesus, na ikasisisya Niya saan man Niya tayo ipadala. Mag-ingat sa anumang bagay na makikipagkompetensiya sa iyong katapatan kay Jesu-Cristo. Ang pinakamatinding katunggali ng tunay na debosyon kay Jesus ay ang paglilingkod na ginagawa natin sa Kanya. Mas madaling maglingkod kaysa lubos na ibuhos ang ating buhay para sa Kanya. Ang layunin ng pagtawag ng Diyos ay ang Kanyang kasiyahan, hindi lamang ang may gawin tayo para sa Kanya. Hindi tayo ipinadadala upang makipaglaban para sa Diyos, kundi upang magamit ng Diyos sa Kanyang mga pakikipaglaban. Mas inaalala ba natin ang paglilingkod kaysa kay Jesu-Cristo mismo?

Pinupuri Kita dahil sa sinabing—“Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya.” Lubos kong nauunawaan na tanging pag-ibig at hindi kabagsikan Mo ang iginawad sa akin. O, na ang Pag-ibig at kahinahunan at katiyagaan mo sa akin ay maipamalas sa pamamagitan ko sa ibang tao!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

My Utmost For His Highest

Sa loob ng mahigit na walumpung taon, ang "My Utmost for His Highest" o "Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas" ni Oswald Chambers ay isa sa mga librong pinakamarami nang nakabasa sa mundo ng Cristianismo. Ngayon ay ikinalulugod naming ipalabas ang espesyal na edisyon na itong may tatlumpung debosyonal na pinili mula sa Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas, na idinisenyo upang ipakilala ang isang bagong henerasyon sa walang hanggang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na itinuro sa pamamagitan ng mga hindi nagmamaliw na salita ni Oswald Chambers. Kasama rin sa mga seleksyon na ito ang personal na panalangin ni Oswald Chambers sa bawat gabay.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org