Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)Halimbawa

Pagtalikod o Paglakad Kasama si Hesus
Isang tumatagos na tanong! Ang mga Salita ng ating Panginoon ay madalas na tumama sa atin kapag Siya ay nagsasalita sa pinakasimpleng paraan. Sa kabila ng katotohanang alam natin kung sino si Hesus, Siya ay nagtatanong, "Gusto mo rin bang umalis?" Dapat nating patuloy na mapanatili ang isang malakas na saloobin patungo sa Kanya, sa kabila ng anumang maaaring personal na panganib.
“Mula noon marami sa Kanyang mga disipulo ang bumalik at hindi na lumakad na kasama Niya” (6:66). Sila ay tumalikod mula sa paglalakad kasama ni Hesus; hindi sa kasalanan, ngunit palayo sa Kanya. Maraming tao ngayon ang nagbubuhos ng kanilang buhay at nagtatrabaho para kay Hesukristo, ngunit hindi talaga lumalakad kasama Niya. Ang isang bagay na patuloy na hinihiling ng Diyos sa atin ay ang pakikipag-isa kay Hesukristo. Pagkatapos na ihiwalay sa pamamagitan ng pagpapakabanal, dapat nating disiplinahin ang ating mga buhay sa espirituwal na paraan upang mapanatili itong malapit na pakikipag-isa. Kapag binigyan ka ng Diyos ng malinaw na pagpapasiya ng Kanyang kalooban para sa iyo, ang lahat ng iyong pagsusumikap na mapanatili ang kaugnayang iyon sa pamamagitan ng ilang partikular na pamamaraan ay ganap ng hindi kailangan. Ang kailangan lang ay ang mamuhay ng karaniwang na buhay na lubos na umaasa kay Hesukristo. Kailanman ay huwag subukang mamuhay kasama ang Diyos sa anumang paraan maliban sa Kanyang paraan. At ang Kanyang paraan ay nangangahulugan ng ganap na debosyon sa Kanya. Ang hindi pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga kawalang-katiyakan na naghihintay sa hinaharap ay ang sikreto ng paglakad kasama si Hesus.
Nakita ni Pedro kay Jesus na ito lamang ang makapagliligtas sa kanya at sa mundo. Ngunit nais ng ating Panginoon na tayo ay maging kamanggagawa kasama Niya. Sa talatang 70, buong pagmamahal na ipinaalala ni Hesus kay Pedro na siya ay piniling sumama sa Kanya. At dapat sagutin ng bawat isa sa atin ang tanong na ito para sa ating sarili at hindi sa iba: "Gusto mo rin bang umalis?"
Panginoon, gaano kaliit na pagpapakain ang ibinibigay ko sa nananahan na Kristo sa akin; O Panginoon, patawarin Mo ako. Punuin Mo ako ng sapat na pakiramdam ng Iyong pagpapatawad upang hindi lamang ako magalak sa Iyong pagliligtas, ngunit mapuspos ng Iyong Espiritu para sa gawaing ibinigay Mo sa akin upang gawin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa loob ng mahigit na walumpung taon, ang "My Utmost for His Highest" o "Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas" ni Oswald Chambers ay isa sa mga librong pinakamarami nang nakabasa sa mundo ng Cristianismo. Ngayon ay ikinalulugod naming ipalabas ang espesyal na edisyon na itong may tatlumpung debosyonal na pinili mula sa Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas, na idinisenyo upang ipakilala ang isang bagong henerasyon sa walang hanggang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na itinuro sa pamamagitan ng mga hindi nagmamaliw na salita ni Oswald Chambers. Kasama rin sa mga seleksyon na ito ang personal na panalangin ni Oswald Chambers sa bawat gabay.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

Ang Kahariang Bali-baliktad

Prayer

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo
