Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

The Power of LoveHalimbawa

The Power of Love

ARAW 3 NG 7

No fear in love! 🔥

Kumusta ka ngayon? Do you feel loved today, or are you wondering if anyone really cares about you? Kung nasa panahon kang hindi ka siguradong may totoong nagmamahal sa'yo, hugs! We get it — it’s tough! That’s a hard place to be, but don’t despair, there IS SOMEBODY who loves you unconditionally and intensely.

In our series this week, “The Power of Love,” titingnan natin ang kapangyarihan ng pagmamahal na hindi kailanman nawawala o nagbabago — ang pagmamahal ng Panginoon para sa iyo.

Let’s read this passage together:

Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. (1 Juan 4:16 ASD)

From this verse, we learn that God Himself is love. Kaya naman, puwede tayong maniwalang ang lahat ng ginagawa Niya ay dahil sa pag-ibig. You can rest assured that He has your best interests at heart!

At ano ba ang ginagawa ng pag-ibig na ito? Let’s look at this, too:

Ang ganitong pag-ibig ay walang halong takot dahil pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung may takot man ang isang tao, itoʼy dahil takot siyang maparusahan… (1 Juan 4:18 ASD)

Nakikita mo ba? Pinapawi daw ng Kanyang ganap na pag-ibig ang kahit anumang takot. Sinabi rin na kung natatakot ang isang tao, ito’y dahil sa takot na maparusahan. Ikaw ba, do you have this fear of punishment? Tingnan natin kung paano Niya ibinigay ang Kanyang buhay sa cross, kung saan tinanggal Niya ang lahat ng ating kasalanan at binayaran ang mga ito — isang pagpapakita ng Kanyang pag-ibig sa atin. At ito rin ang sagot sa takot mong maparusahan, dahil Siya ang tumanggap ng kaparusahan sa halip na ikaw.

Tandaan mo, mahal na mahal ka Niya, at isa kang miracle!

Banal na Kasulatan