Our Identity in ChristHalimbawa

Baka di mo alam…heir ka ni Lord, Besh.
Nakaka-drain talaga kapag nasa estado ka na parang lagi kang kapos—when you feel inadequate or severely lacking. Kapag may kakulangan sa buhay—like material needs, money, or other resources.Ganito siguro ang nararamdaman ng mga ulila—mga batang nawalan ng magulang na nag-aalaga sa kanila, pati na rin ng mga tinatawag na spiritual orphans. Sila ang mga taong hindi nakakaramdam ng pahinga sa pag-aalaga ng Ama sa langit. Baka ikaw rin, dumaan or dumadaan sa ganitong pakiramdam.
That’s why we’re so glad about our series this week, “Our Identity in Christ,” a reminder of the crucial truths that help us understand who we are to Him.
Let’s read this verse aloud:
Ngayon, hindi na tayo mga alipin kundi mga anak. At kung mga anak tayo ng Diyos, tagapagmana rin tayo ng mga pangako niya. (Mga Taga-Galacia 4:7 ASD)
Narinig mo na siguro ang katotohanang anak tayo ng Diyos.In this verse, we learn two additional truths: una, hindi na tayo alipin; pangalawa, dahil anak Niya tayo, tagapagmana rin tayo ng mga pangako Niya.
Isn’t this good news? Kung nabasa mo ang kuwento ng alibughang anak sa Lucas 15, makikita mo na noong bumalik siya sa kanilang bahay matapos maghirap at maging pulubi sa ibang bayan, naisip niyang humingi ng tawad sa kanyang ama. Makauwi lamang siya, sinabi niyang gawin na lang siyang alipin sa kanilang malaking bahay. Pero hindi ito tinanggap ng kanyang ama. Sa halip, binihisan siya ng magandang damit, sinuotan ng sandalyas, at nilagyan ng singsing—isang malinaw na patunay na anak pa rin siya, at mahal na mahal ng kanyang ama.
Ganito din ang ginawa ng Panginoon sa atin. Hindi Niya tayo tinanggap upang maging alipin, kundi ginawa Niya tayong anak—isang tagapagmana ng mga pangako Niya.
May pangako ba si Lord sa iyo na hinihintay mo pang dumating? Tagapagmana ka nito, kaya huwag kang matakot!
Tandaan mo, isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day . Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Our Identity in Christ
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle