Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kahariang Bali-baliktadHalimbawa

Ang Kahariang Bali-baliktad

ARAW 1 NG 7

Umaamin ka ba ng pagkukulang mo?

Noong bata ka ba, mahilig ka bang manood ng mga Disney movies? Hindi ba't dito tayo nagkikita ng mga hari, reyna, prinsipe, at prinsesa? Dahil wala naman tayong kaharian dito sa Pilipinas, most likely, cartoons and stories become our basis for what a kingdom looks like.

Alam mo bang ang ibig sabihin ng pagsunod natin kay Jesus ay nagiging bahagi rin tayo ng Kaharian ng Diyos? Pero ang Kahariang ito ay hindi katulad ng kaharian ng mga tao na nakikita natin sa mga pelikula. If anything, based on the Bible, puwede nating sabihing ang Kaharian Niya ay Kahariang Bali-baliktad, which is our series for this week. At titingnan natin kung bakit namin nasabi ito.

Let’s start in the Bible with what is known as Jesus’ Sermon on the Mount, dahil ito ang isa sa mga pinakamagandang halimbawa ng pagkakaiba ng Kaharian ng Diyos sa kaharian ng tao. Makikita natin ito sa Mateo 5, isang mapunong paglarawan ng Kaharian ng Diyos. For today, let’s read the first line:

Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila sa harapan ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit. (Mateo 5:3 ASND)

Nakikita mo ba, sa unang linya pa lang, parang baliktad na? Sa mundong ito, tinuturuan tayong huwag magpakita ng pagkukulang, pero sa Kaharian ng Diyos, sinasabi ditong pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila sa harapan ng Diyos! Ito daw ang mga taong mapapabilang sa kaharian Niya.

Ikaw ba, umaamin ka ba ng pagkukulang mo sa harapan ng Diyos? Today, let’s pray and acknowledge our poverty of spirit before the Lord, that we need Him at wala tayong magagawa ng hindi Siya kasama.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan