Dayuhan Tayo Sa MundoHalimbawa

Na-homesick ka na ba? 😭
Nakaranas ka na bang maging homesick?
Sa unang araw ng pagdating ko sa Singapore as a student, nalaman kong hindi puwedeng gamitin ang cellphone charger na dala ko, at hindi rin gumagana ang roaming ng cellphone ko. Hindi pa uso noon ang wifi at wala pang Facebook messenger, kaya ang paraan lang upang makontak ang pamilya ay through text at call. Nalaman ko from our hosts na sa susunod na araw pa kami puwedeng lumabas at maghanap ng charger at sim card; bigla akong nakaramdam ng napakatinding lungkot.
Kinabukasan, bumili na nga kami ng sim card at charger, at dahil makakatext at call na ako sa Pilipinas, hindi na ganoon katindi ang pagka-homesick. Nakatulong din ang pagkakaroon ko ng mga bagong kaibigan doon.
Ang ating series ngayong linggo ay tungkol sa ating pagiging dayuhan sa mundong ito. Siyempre, hindi tayo maaaring maging homesick sa isang lugar na hindi pa natin nakikita, kahit na sabihin nating ito ang totoong tahanan natin. Pero, the more we get to know Jesus, the more we also get to know what it’s like to be with Him in that future home.
Kaya siguro ito ang pakiramdam ni Abraham sa Bible. Makikita natin ang kuwento ni Abraham sa Book of Genesis in the Bible, na tinawag ni Lord na umalis sa kanyang bayan upang pumunta sa Promised Land that the Lord said He would give him. But take a look at how the New Testament describes Abraham (and others like him):
Ngunit hinahangad nila ang mas mabuting lugar, at itoʼy walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Dios na siyaʼy tawagin nilang Dios, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod. (Hebreo 11:16 ASND)
Ang galing ano? Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Dayuhan Tayo Sa Mundo
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

Masayahin ang ating Panginoon

Mag One-on-One with God

Prayer

Sa Paghihirap…

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Ang Kwento ng Naglayas na Anak
