Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

May Power Ang Words NatinHalimbawa

May Power Ang Words Natin

ARAW 2 NG 7

Ano ang mga iniisip at sinasabi 📣 mo?

Kapag tinanong kita, ano ang mga usual na iniisip at sinasabi mo? Makikita mo ba kung most of your thoughts about other people are positive or negative? How about ang mga salita na lumalabas sa bibig mo?

Kaming mag-asawa, may season kaming pinagdaanan kung saan marami kaming galit at offense sa ibang tao. Sa panahong iyon, majority sa mga pinag-usapan namin ay ang mga galit na ito. Naipakita nito ang laman ng aming isip, that not everything is healthy, but there are also negative thoughts, at lumalabas din ito sa aming interactions with other people.

Looking back, ayaw naming maulit ang season na iyon, dahil napakabigat at ang daming conflict and misunderstanding ang nangyari. Since then, we became intentional to check that we direct our thoughts and words ayon sa gusto ni Lord.

Basahin natin itong verse:

Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. (Salmo 19:14 ASND)

Pero alam naming hindi ito madaling gawin. Importantly, it doesn’t mean na ide-deny lang natin kapag may negative thought or emotion. Instead, ang nakakatulong sa amin ay ang regular na pagkukuwento kay Lord, at sa pagsusulat sa aming journal, ng lahat ng aming nararamdaman at naiisip. Then, we practice giving this to the Lord. Nakakatulong ito sa pagtanggal ng power of negative thoughts over us and over our words.

Kaya ito ang encourage namin sa iyo. Kung may mga heavy thoughts ka ngayon, dalhin mo kay Lord. Hindi Siya nagugulat sa mga emotions mo. Pagkatapos mong ibigay ito sa Kanya, hopefully you’ll be able to choose healthy words for your mouth.

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan