Simula Ng Iyong Paglago Kay KristoHalimbawa

Discipleship at Mentoring
Sa isa sa kanyang mga sulat, ibinahagi ni Pablo ang kanyang relasyon sa iglesia sa Tesalonica. Inalagaan at minahal niya sila, tulad ng isang magulang sa kanyang anak. Sinabi rin niya na ibinahagi niya ang kanyang buhay sa kanila. Ang discipleship ay pinakamainam na nagaganap kapag sama-samang nararanasan ng mga tao ang buhay.
Ang puso ng discipleship ay makikita sa maliliit na grupo ng mga mananampalataya na nagtatayo ng mas malalim na ugnayan sa bawat isa – nagtutulungan at may accountability sa isa’t isa. Ang isang mentor ay tumutulong na ipamuhay ang mga natututuhan mula sa Salita ng Diyos. Gaya ng sinasabi sa aklat ni Santiago, nais natin na hindi lamang maging tagapakinig ng Salita ang mga tao, kundi mga tagagawa nito. Ang pagsasabuhay ng Salita ng Diyos ay madalas na nagaganap sa konteksto ng mga discipleship relationships. (The Right Reasons for Discipleship, Tim Henderson)
Mayroon ka bang mentor upang matulungan kang lumago sa iyong pananampalataya?
Kung oo, binabati kita. Ipagpatuloy ninyo ang pagkikita at hayaan mo silang gabayan ka sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay.
Kung wala ka pang mentor at nais mong magkaroon, maaari kang magsimulang maghanap ng mga mapagkakatiwalaang Kristiyanong lumalago sa pananampalataya sa iyong mga kakilala. Kung hindi ka makahanap ng isa at nais mong magpamentor, makipag-ugnayan ka sa amin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Bago ka ba sa iyong relasyon kay Hesus? Ang pagkilala kay Hesus ay ang pinaka-kapanapanabik na relasyon na maaari mong maranasan. Narito ang lugar kung saan ka maaaring magsimula.
More
Nais naming pasalamatan ang Cru Asia sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: cru.ph