The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa

Sino ba ang idol mo?
Sino ba ang isang taong nag-i-inspire sa iyo? May favorite teacher ka ba, or favorite superhero noong bata ka? Ngayong malaki ka na, may real-life “hero” ka bang pina-follow sa social media? Baka may celebrity kang sinusundan na gustung-gusto mo ang fashion sense, or influencer na nagbibigay ng tips na nakakatulong sa iyo.
Mahilig si Mark makinig sa mga podcast. Ngayon, ang mga favorite topics niyang pakinggan ay emotional health at leadership. Ako, isa sa mga current favorite writers ko ay isang children’s book writer na nagse-share din ng importance ng imagination at storytelling sa lives ng mga bata.
Why am I sharing this? Na-realize naming importante palang malaman kung ano ang mga influences sa life natin. Pag sinabing influence, hindi ito necessarily obvious, na parang may mentor talagang nagtuturo sa iyo ng lahat-lahat. Alam mo bang maaaring mas malaki pa ang influence ng mga nai-scroll natin everyday sa ating mga phones?
Alam mo ba kung gaano kalaki ang influence ni Jesus sa buhay ng mga followers Niya? May isang kuwento sa Bible na nakakamangha. Nasa isang bangka ang mga disciples nang may dumating na bagyo. Malakas ang hangin at alon, at ginagawa nila ang lahat para hindi ma-capsize yung boat. Then, bigla na lang, may makikita silang naglalakad—sa ibabaw ng tubig! (Mateo 14: 22-32 ASND, Pagkatapos, pinasakay agad ni Jesus sa bangka ang mga tagasunod niya at pinauna sa kabila ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. Nang makaalis na ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok para manalangin. Inabot na siya roon ng gabi. Nang oras na iyon, malayo na ang bangkang sinasakyan ng mga tagasunod niya. Sinasalpok ng malalaking alon ang bangka nila dahil pasalungat ito sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Pagkakita ng mga tagasunod na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng “Multo!” dahil sa matinding takot. Pero agad na nagsalita si Jesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob.”Sumagot si Pedro sa kanya, “Panginoon, kung kayo nga iyan, papuntahin nʼyo ako riyan na naglalakad din sa tubig.” “Halika,” sabi ni Jesus. Kaya bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Jesus. Pero nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!” Agad naman siyang inabot ni Jesus at sinabi, “Kay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nilang dalawa sa bangka, biglang tumigil ang malakas na hangin.)
Ito ang experience ni Peter. Follower siya ni Jesus, pero ibang level ng miracle itong nakita niya. Then, as if kulang pa ito, Jesus invited him pa na maglakad din sa tubig like Him! (Maaari mo itong paoorin sa ibaba: The Chosen Season 3 Episode 8: Jesus and Peter Walk on Water.)
Imagine yourself sa lugar ni Peter: ano kaya ang maiisip mo? Sino ba ang taong ito na kayang gawin ito? Kaya Niyang gawin ang imposible.
Isa kang miracle!
Yen Cabag
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Masayahin ang ating Panginoon

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God

Prayer

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin
