Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ipagkatiwala Mo ang Iyong mga AlalahaninHalimbawa

Cast Your Cares

ARAW 9 NG 10

Ang Diyos sa Sangang-daan

Tumayo kayo sa panulukang-daan at magmasid; . . . alamin kung saan ang pinakamabuting daan. Doon kayo lumakad. - Jeremias 6:16

Pagkatapos ng mga araw ng pagkakasakit at mataas na lagnat, malinaw na kailangan ng aking asawa ng mabilis na pangangalaga. Agad siyang ipinasok ng ospital. Ilaw araw ang dumaan. Bumuti naman siya, pero hindi sapat para palabasin ng pagamutan. Hinarap ko ang mahirap na pagpili na manatili sa aking asawa o tuparin ang isang mahalagang paglalakbay sa trabaho kung saan maraming tao at proyekto ang kasangkot. Tiniyak sa akin ng asawa ko na magiging maayos siya. Ngunit ang puso ko ay nahahati sa pagitan niya at ng aking trabaho.

Kailangan ng bayan ng Diyos ang Kanyang tulong sa sangang-daan ng mga desisyon sa buhay. Napakadalas, hindi sila sumunod sa Kanyang ipinahayag na mga tagubilin. Kaya nakiusap si Moises sa mga tao na “piliin ninyo ang buhay” sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos (Deuteronomio 30:19). Nang maglaon, ang propetang si Jeremias ay nag-alok ng mga salita ng patnubay sa suwail na bayan ng Diyos, anupat hinihimok silang sundin ang Kanyang mga paraan: “Tumayo kayo sa panulukang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang lumang kalsada, at alamin kung saan ang pinakamabuting daan. Doon kayo lumakad" (Jeremias 6:16). Ang mga sinaunang landas ng Kasulatan at ang nakalipas na paglalaan ng Diyos ay makapagtuturo sa atin.

Naisip ko ang aking sarili na nasa isang pisikal na sangang-daan at inilapat ang huwaran ng karunungan ni Jeremias. Kailangan ako ng asawa ko. Ganun din ang trabaho ko. Pagkatapos, tumawag ang aking superbisor at hinikayat akong manatili sa bahay. Napabuntong hininga ako at nagpasalamat sa Diyos sa Kanyang paglalaan sa sangang-daan. Ang direksyon ng Diyos ay hindi palaging dumarating nang napakalinaw, ngunit ito ay dumarating. Kapag nakatayo tayo sa sangang-daan, siguraduhin nating hanapin Siya

Elisa Morgan

Mahal na Diyos, kapag ako ay hindi sigurado, tulungan Mo akong tumayo sa sangang-daan at hanapin ang Iyong paglalaan.

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Cast Your Cares

Pinupuri mo man ang Diyos para sa Kanyang biyaya o nakikipagbuno sa iyong pananampalataya, lagi kang sasalubungin ng Diyos ng Kanyang hindi nagbabagong pag-ibig, katotohanan, at lakas. Pumasok sa isang komunidad ng mga kababaihan na nakatuon sa paglapit sa Diyos at sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtitiwala na Siya ay sapat na at palaging magiging sapat.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: https://ourdailybread.org/youversion