Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos NitoHalimbawa

Donna Gibbs: Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos Nito Ikalimang Araw ng Debosyonal
Ang Regalo ng Galit
Banal na Kasulatan: Mga Taga-Efeso 4:26
Ang iyong buhay ay maaaring minsan ay tila isang sapa na walang tubig. Maaaring pakiramdam mo ay nawala na ang kagalakan at kasigasigan sa buhay mo. Kailangang-kailangan mo ng anumang bagay na maaaring dumating upang linisin ang tuyong sapa na siyang buhay mo, at ang galit ay maaaring bahagi ng solusyon.
Sa una ay maaari mong isipin na ang galit ay isang makasalanang emosyon at isiping ikaw ay nagkasala dahil sa damdamin ng galit. Ngunit tingnan natin ang galit mula sa ibang pananaw. Hindi tinukoy ng Kasulatan ang galit bilang kasalanan. Sinasabi sa atin ng Mga Taga-Efeso 4:26 na ang galit ay isang bagay na maaaring dalhin tayo sa kasalanan kung hahayaan nating kontrolin tayo nito. Ang galit ay ang pinaka-produktibong emosyon na nararamdaman natin, kaya naman ang pamamahala ay maaaring maging mahirap. Kapag mali ang paggamit nito, ang galit ang sisira sa ating mga relasyon.
Ngunit kapag ginamit nang matuwid, ang galit ay maaaring maging perpektong panggatong para sa ating katatagan. Tama iyan! Ang Diyos, na gumawa sa atin ayon sa Kanyang larawan, ay lumikha sa atin na may kakayahang makaramdam ng galit. Nilikha ng Diyos sa loob natin ang isang damdamin na maaaring mag-akay sa atin palabas mula sa ating paghihirap. Kaya't nararapat nating idirekta ang makapangyarihang damdaming ito sa anumang bagay na pumipigil sa atin, maging ito man ay mapangwasak na teolohiya, pag-iisip, o isang mapanirang kakayahan sa pagharap sa mga sitwasyon.
Pag-isipan ito: Dinadala mo ba hindi langang bigat ng iyong unang pagdurusa at kundi pati ang hindi mo pagkaalis sa pagdurusang iyon? Delikado ang masadlak. Hindi ito kasing simple ng pagpapahaba ng sakit. Ang pagkasadlak ay isang direktang paanyaya sa karagdagang sakit. Ang pagkasadlak ay may kukunin sa iyo. Ninanakawan ka nito. Dapat kang magalit dito!
Maaaring gamitin ng Diyos ang galit para malinisan ang mga tuyong sapa ng ating buhay. Hinahamon kita, kung gayon, na pahintulutan ang naaangkop na galit upang matulungan kang magsimulang makabangon mula sa mga sakit na nagpapanatili sa iyo.
Ang galit ay makakatulong sa iyo na palitan ang lahat-ng-karaniwang "Bakit?" na may bago at nakakaginhawang "Ano na ngayon?" Tanungin ang iyong sarili, Ano ang dapat kong gawin para makaligtas sa bagyong ito? Ano ang kailangan kong matutunan upang umunlad sa pakikibakang ito? Paano ako bubuo ng katatagan?
Kung nakakaramdam ka ng galit ngayon, gamitin ito upang makawala!
Paano naging bahagi ng iyong paglalakbay ng pagdurusa ang galit? Sa anong mga paraan ito nakatulong sa iyo na gumawa ng mga pagbabago sa iyong buhay? Anong mga pagbabago ang maaaring makatulong sa iyo na gawin ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Bawat isa sa atin ay tiyak na makakaranas ng pagdurusa sa isang punto ng ating buhay. Bilang isang tagapayo, nakita ko ang mga taong nagdurusa na nabago. Nakita ko iyong mga minsan ay iginupo ng trauma na natuto kung paano ito dalhin. Sa maikling debosyonal na ito, idinadalangin ko na matanto mo na hindi pa tapos ang iyong kwento. Maaaring nakararanas ka ng pagdurusa ngunit maaaari mong dalhin itong mabuti. Marahil ay maitatanong mo, "Anong kasunod?" sa halip na manatili sa pagtatanong ng "Bakit?". Maaari kang maging matatag.
More