Lahat ng Napapagod: Kasama Ko ang DiyosHalimbawa

Ako ay Ginawa nang may Kalapitan at Ako'y Nakikita
Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,
sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin;
lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang,
batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay;
pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan,
matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. -Mga Awit 139:15-16
Ang Pangako: Ako ay ginawa nang may kalapitan at ako'y nakikita.
Ginawa ka nang may intensyon. Maging ang gawaing mag-alala o gustong malaman ang lahat ng hakbang ng plano bago ito maisagawa. Dinisenyo ka nang may mahusay na intensyon, at hindi kailanman nagkamali ang Diyos nang ikaw ay binuo. Ang Diyos na ito na personal na gumawa sa iyo ay kilala ka. Mapagkakatiwalaan Siyang mag-aalaga sa iyo.
Pagsamba sa Paghihintay:
Kalakip mo ni Josh Garrels
Subukan Ito: Maging Masining
Subukan ang iyong kamay sa pagguhit ng isang eksenang nasa harap mo. Maaaring ito ay mga libro sa iyong coffee table o mga unan sa iyong kama. Maaaring ang hardin sa labas ng iyong bintana o ang isang mahal sa buhay na nakaupo sa sopa. Pumili ng isang piraso ng papel, isang lapis, o kahit na may kulay na mga lapis upang lumiwanag ang pahina. Magsimula lamang sa pagguhit; hindi mahalaga kung ano ang hitsura nito; hayaan mo lang gumalaw ang kamay mo sa pahina.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ito ang unang linggo sa isang pitong linggong serye na gagabay sa iyo sa mga pakikibaka ng pagkabalisa habang pinanghahawakan ang katotohanan sa Biblia at ang mga pangako ng Diyos. Ang walong araw na planong ito ay nagbibigay ng panghihikayat at praktikal na aplikasyon upang iayon ang iyong puso at isipan sa pag-ibig ni Jesus sa gitna ng pagkabalisa. Pangako sa linggong ito: Kasama ko ang Diyos.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kahariang Bali-baliktad

Sa Paghihirap…

Masayahin ang ating Panginoon

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Prayer

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo
