Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Walang PanghihinayangHalimbawa

No Regrets

ARAW 2 NG 5

Ang Kapangyarihan ng Panalangin

Halos gabi-gabi ako—buong magdamag—na nakayuko sa panalangin. Umiiyak ako sa matinding pighati. Hindi ko maisip na lilisanin ko nang maaga ang mundong ito. Hindi ko lubos maisip na maiiwan ko ang aking pamilya.


Ang matiyagang pananalangin ay ang may kumpiyansang pag-amin sa Panginoon na wala kang ibang magagawa, at sa pamamagitan ng iyong lubos na kawalan ng kakayahan, Siya ay makakagalaw at makakakilos. Ang matiyagang panalangin ay nagpapahintulot sa iyo na umalis sa daraanan.


Manalangin sa tuwina, at dahil dito ay malalampasan mo ang mga panghihinayang sa iyong buhay at kikilos ka sa higit na karunungan at pang-unawa habang isinusuko mo ang lahat sa Panginoon. Iniingatan ng panalangin ang iyong puso mula sa kasalanan. Ang panalangin ay nagbubukas sa iyo upang maakay ka ng Banal na Espiritu. Ang panalangin ay nakakatulong na bantayan ka laban sa paggawa ng mga maling pagpili. Ang panalangin ay tumutulong sa iyo na maging handa para sa mabuting gawain. May dakilang kapangyarihan sa marubdob na mga panalangin. Dumarami ang pagsisisi dahil sa hindi magandang paghuhusga o gumagawa tayo ng mga di-makadiyos na desisyon o koneksyon. Binigyan tayo ng Diyos ng panalangin kasama ang iba't ibang aspeto nito bilang isang magandang paraan ng pakikipag-usap sa Kanya upang tayo ay lumago at makawala sa isang buhay na puno ng mga pagsisisi.


Minsang sinabi ni E. M. Bounds, at nalaman kong ito ay totoo, na “Naghihintay ang Diyos na masubok ng Kanyang mga anak sa pamamagitan ng panalangin. Siya ay nalulugod sa pagsubok sa Kanyang mga pangako. Lubos ang Kanyang kasiyahan sa pagsagot sa panalangin, upang patunayan na maaasahan ang Kanyang mga pangako."


Sadyang Pamumuhay:


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

No Regrets

Itong makapangyarihang pang-araw-araw na babasahing ito ay naglalahad ng kahulugan ng pamumuhay nang walang pagsisisi. Magkaroon ng kaginhawaan at matuto kung paano maglingkod at luwalhatiin ang Diyos na para bang ang ba...

More

Nais naming pasalamatan ang Charisma House sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://bit.ly/noregretskindle

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya