Hindi Ka Pa TaposHalimbawa

Ang Marathon na Tinatawag na Buhay
Gustong-gusto kong tumakbo, kahit na hindi talaga ako seryosong mananakbo. Ang ideya ko ng pagtakbo ay mabagal na limang-milyang jogging, at pag sinabi kong mabagal, ang ibig sabihin ko ay kaya akong unahan ng mga nanay na nagtutulak ng kanilang mga anak sa stroller. Ang kaibigan kong si Dawn, 'yung kasama kong mag-hiking sa mga bundok, ang totoong mananakbo. Regular siyang nakikilahok sa mga marathon at nakapagtatag na siya ng kapwa pisikal at mental na tibay upang takbuhin ang mahahabang distansiya. Sapat na ang kanyang naitakbo upang malaman kung paano ang bumangga sa pader habang tumatakbo, isang konseptong hindi ko pa nararanasan dahil malinaw namang hindi pa ako nakakatakbo nang ganoon kalayo!
Ang bumangga sa pader ay isang lugar na malalampasan lang ng mananakbo gamit ang kanilang pag-iisip. Ito ay mas mental kaysa pisikal, kahit na sa pisikal ito ay napakasakit. Minsang ipinaliwanag ito sa akin ni Dawn sa paglalarawan ng una niyang marathon. Nakatakbo na siya ng 23 milya nang bumangga siya sa kinatatakutang pader. Mayroon pa siyang 36 minuto para tapusin ang natitirang 3.2 milya. Madali lang sana iyon kung hindi lang nakatakbo na siya ng ilang milya at kung wala sana yung nakakapamilipit na sakit sa kanyang baywang. Sa kuwento niya, sinasabihan siya ng kaliwang bahagi ng kanyang utak (ang rasyonal na bahagi) na tumigil at maglakad na lang hanggang sa dulo. Mga kaisipang tulad ng, Huwag mo nang alalahaning hindi maabot ang inasinta mo. Mauunawaan ng mga tao kapag nalaman nila kung gaano kainit at kung gaano na akong nasasaktan, ay dumadagundong sa kanyang isip. Ngunit sinlakas, ang kanang bahagi ng kanyang utak ay dumagundong ng tugon na, May pag-asa pa! Hindi pa tapos ang karera! Posible pa ring maabot ko ang aking inaasinta. Huwag kang titigil sa pagtakbo!
Naramdaman mo na ba ang ganyang giyera sa iyong isipan? Kung kailan sumisigaw sa'yo ang iyong isip? Nangyayari ito sa isang karera kapag bumangga ka sa pader, kapag wala ka nang maibigay, kapag naubos na ang iyong lakas at wala ka nang mas gustong gawin kundi ang sumuko na. Ngunit, tulad ng naranasan ni Dawn, mula sa kaloob-looban, ang mumunting ningas ng isang inaasinta o pangarap ay nagsusumamong huwag itong patayin.
Napuntahan ko na ang ganyang lugar, kung saan bumangga ako sa pader sa mga aspetong espirituwal, mental, at emosyonal. Ngunit noon ding panahon na iyon, ang Salita ng Diyos ay nasa aking puso at isip. Umaalingawngaw sa loob ko ang mga pangako ng Diyos habang sumisigaw ang isip kong tumigil na ako. At dahil sa Kanyang mga pangako, iyang mumunting ningas ng pag-asa, nagawa kong umabante sa pamamagitan ng pagtuon sa Diyos at Kanyang Salita. Sa kabila ng ilang ulit na kinakalaban ako ng isip kong sumuko na, patuloy kong ibinaling ang isip kong papalayo sa nais nitong isipin at tungo sa sinasabi ng Diyos na totoo.
Maaaring ikaw ay nasa ganyang lugar ngayon. Ano ang isinisigaw ng isip mo sa'yo? Na hindi ito posible? Na huli na ang lahat? Na hindi mo kaya? Na hindi sapat ang iyong talino? Na masyado ka nang matanda? Na masyado ka pang bata? Na hindi sapat ang iyong pinag-aralan? Kaya mong ipanalo ang giyera sa iyong isip sa pamamagitan ng pagbabago nito gamit ang mga salita ng Diyos. Magagawa nating magtiis kung gagawin nating pinakamalakas kaysa anupaman ang tinig ng Diyos sa ating isip.
Panalangin
Ama sa Langit, salamat sa Iyo sa Iyong Salita. Tulungan akong mas maunawaan ang sinasabi nito upang mabago ako nito sa pamamagitan ng pagbabago nito sa aking pag-iisip, at upang malampasan ko ang anumang pader. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Mayroon ka ba ng kinakailangan para sa pangmatagalan? Na lumakad sa iyong layunin nang malayuan? Ang kalagitnaan ng anumang gawain—sa karera, mga relasyon, ministeryo, kalusugan—ang kadalasang panahong pinanghihinaan tayo ng katatagan at katiyagaan dahil ang mga kalagitnaang panahong iyon ay kadalasang magulo at mahirap. Sa 5 araw na gabay na ito, pinaaalalahanan tayo ni Christine Caine na kaya nating sumulong nang pangmatagalan - hindi dahil taglay natin ang lakas kundi dahil taglay ito ng Diyos.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mag One-on-One with God

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Prayer

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Mga Sulat ni Juan
