Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbibigay Kahulugan sa Iyong BuhayHalimbawa

Making Sense of Your Life

ARAW 2 NG 3

Pagbibigay Kahulugan Sa Iyong Buhay – Bahagi 2: Isang Umaapaw na Kaaliwan

“Nang inilabas ko ang iyong bayan mula sa Egipto, nakarating sila sa dagat, at hinabol sila ng mga Egipciong sakay ng mga karwahe at kabayo hanggang sa may Dagat na Pula.” (Josue 24:6)

Ang mga Israelita ay ginawang mga alipin sa Egipto at nagdusa sa mga kamay ng kanilang malulupit na panginoon. May katuturan ba iyan, kung isaalang-alang ang katotohanan na sila ay mga piniling bayan ng Diyos? Marahil hindi sa iyo at sa akin sa natural. Ngunit ang kaparaanan ng Diyos ay hindi natin kaparaanan, ang kanyang kaisipan ay hindi natin kaisipan. At kung susubukan natin na bigyan ng katuturan ang mga bagay ayon sa ating katuwiran o maging sa ating kultura, tiyak na hindi natin mauunawaan kung ano ang ginagawa ng Diyos sa ating buhay kung minsan. Pinahihintulutan Niya ang mga mahihirap na sitwasyon upang patatagin ang pananampalataya sa Kanyang bayan; ngunit mayroon siyang higit na gustong gawin sa atin at sa pamamagitan natin. Gusto Niyang maramdaman natin kung ano ang Kanyang nararamdaman.

Sinasabi ng Biblia na ang Diyos ay Diyos ng lahat ng kaaliwan, na umaaliw sa atin sa lahat ng ating mga problema. Bakit? Upang maaliw natin ang iba nang parehong kaaliwan na tinanggap natin sa Diyos. Iyan ang kuwento ng mga Judio. Kung pag-aaralan mo ang kanilang kasaysayan sa buong panahon, makikita mo na lagi silang nagmamalasakit sa mga mahihirap at mahihina at inaapi sa kanilang kalagitnaan, na sinasabi, "Minsan na tayong tinrato nang ganyan nang tayo ay mga alipin sa Egipto."

Nadurog na ba ang iyong puso? Nasaktan ng mga taong malapit sa iyo? Nasugatan ng iyong sariling pamilya? Binigo ka na ba ng iyong amo? Pinagsinungalingan? Tinanggihan dahil ikaw ay isang Cristiano? Oo, maaari tayong masaktan. Ngunit, ang Panginoon ay Diyos ng lahat ng kahabagan na ginagamit ang mga pasa ng buhay at ang mga kasawian upang tayo ay magkaroon ng habag sa iba, upang maramdaman natin kung ano ang nararamdaman ng Diyos para sa kanila, upang makalapit tayo sa tabi nila at sabihin sa kanila, "Alam Kong umiiyak ka, at alam Kong masakit ito, ngunit huwag kang sumuko. Huwag tumakas, dahil matutulungan ka ng Diyos sa paraan na hindi kayang gawin ng kahit na sinong kaibigan o kapamilya!"

Hindi ka ba natutuwa na Siya ang Diyos ng lahat ng kaaliwan, at ang kaaliwang iyan na ibinibigay sa iyo at sa akin ay maaaring umapaw sa kaaliwan ng iba?

Ipagpapatuloy…

Tungkol sa Gabay na ito

Making Sense of Your Life

Maaaring ang buhay ay walang kasiguruhan at nakalilito, kahit na tayo'y naglilingkod sa Diyos. Minsan, parang hindi na natin makontrol ang mga bagay-bagay, kaya't iniisip natin kung ano na ang nangyayari sa mundo! Kung naranasan mo na ang ganitong damdamin o nalilito ka, ang bagong seryeng ito ng mga debosyon ni Pastor Jim Cymbala ay para sa iyo lamang!

More

Nais naming pasalamatan ang The Brooklyn Tabernacle sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.brooklyntabernacle.org