Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa

Ang Sining ng Pagpasa sa Sunod na Henerasyon
Ang salitang "ekonomiya" ay palaging nababanggit sa media kaya't iniisip ko kung talaga bang alam natin ang ibig sabihin nito. Pangunahing ginagamit ito upang tukuyin kung gaano kahusay sa pananalapi ang ating bansa. Ngunit iyan ay isang paraan lamang upang tingnan ito. Para sa akin, ang isang mas kapaki-pakinabang na pangangahulugan ng ekonomiya ay ang "maingat na pamamahala ng mga kayamanan." Ito ay nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa isang katiwala–ang taong gumagawa ng maingat na pamamahala ng mga yaman.
Sa aklat ng Mga Kawikaan sa Lumang Tipan, ang huling kabanata ay naglalarawan ng ating ngayong kinikilala na babaeng Kawikaan 31. Kung babasahin mo ang kabanata, mapapansin mong ang babaeng inilalarawan ay isang ekonomistang may kalibreng pandaigdigan.
Siya ay isang maingat na tagapamahala ng lahat ng kanyang mga yaman: intelektwal, panlipunan, pinansyal, espirituwal, at pati na estetika. Ang kanyang masigasig na pagtatrabaho ay konektado sa kanyang espirituwal na alab para sa Diyos. Pinararangalan at iginagalang niya ang Diyos, at ipinahahayag ito ng kanyang buhay sa pamamagitan ng maningning na pangangasiwa. Maaari tayong lahat matututo mula sa kahanga-hangang babaeng ito ng kung paanong maipapatupad ang maingat na pamamahala sa lahat ng ibinigay sa atin ng Diyos.
Aplikasyon: Sa pagtingin sa halimbawa ng babae sa Kawikaan 31, ano ang iyong ginagawa nang mahusay? Saan may puwang para sa pagpapabuti?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Sa Paghihirap…
