Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa

H: Himala (miracle)
Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ibang wika. Hindi sila mapapahamak kahit dumampot sila ng ahas o makainom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay.” (Marcos 16:17-18)
Ang himala o milagro ay anumang bagay na hindi sumasang-ayon sa natural na galaw ng mga bagay dito sa mundo. Noong pinadala ng Diyos ang bugtong Niyang Anak sa mundong ito, si Hesus ay gumawa ng mga himala upang mapatunayang Siya ang pinadala ng Diyos upang tubusin ang sangkatauhan.
Kabilang sa mga himalang isinagawa ni Hesus ay ang pagpapakain sa 5,000 katao, gawing alak ang tubig, at ang pag-alis ng demonyo sa katawan ng tao. Ang paggawa ng milagro ay pinahihintulutan rin ng Panginoon na isagawa ng kanyang mga tagasunod upang ipalaganap ang Kanyang salita sa buong mundo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas
Mga Kaugnay na Gabay

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Nagsasalita Siya Sa Atin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

Buhay Si Jesus!

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

Ang 7 Last Words Ni Jesus

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo
