Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring

ARAW 5 NG 40

IHANDA ANG LUPA





Basahin ang Lucas 8:16-18





Sinasabi sa atin ni Hesus na darating ang araw kung saan walang anuman ang mananatiling lihim; ang kundisyon ng lahat ng ating mga puso ay mailalantad. Ngunit iyon ay magiging huli na.





Maglaan ng ilang sandali upang pagnilayan ang sinabi ni Hesus sa iyong puso. Tanungin ang iyong sarili, "Paano BA tumutugon ang aking puso sa mga salita ng Diyos?" Ito ay nagpapaalala sa aking noong ako ay nasa unang baitang pa lamang. Ako ay madaling magambala sa klase at hindi ko nagagawang magpokus sa aking mga gawain sa paaralan. Kung makatanggap man ako ng mababang marka, ay hindi ko ito nais iuwi pa. Tuwing Biyernes ng hapon ay inilalagay ng aking guro lahat ng aming papel sa isang folder. Sa paglalakad ko pauwi ay tinitignan ko ang aking mga papel at kapag mayroong hindi perpekto ay itinatapon ko ang mga ito. Takot akong makita ng aking ina ang aking mga pagkakamali. Kahit alam ko na sa katapusan ng markahang iyon ay lalabas rin ang katotohanan. Ibubunyag rin ng aking maliit na report card ang katotohanan! Salamat at ako ay natuto na. Ako ay nakonsiyensya sa pagtatago ng katotohanan at sa aking paglilinlang sa aking mga magulang, at hindi ko nagugustuhan makatanggap ng "U," para sa unsatisfactory, sa aking report card, kaya pinagsisihan ko ang aking mga gawain!








Maaari hindi mo kailanman itinago ang iyong mga grado mula sa iyong magulang! Gayunpaman, ngayon ikaw ay maaring naguguluhan at hindi mo sineseryoso ang salita ng Diyos. Maaaring sinusubukan mong itago ang kundisyon ng iyong puso mula sa Panginoon at sa iba pa. Lahat tayo ay may kaugaliang tumitingin sa gawain ng iba upang sukatin kung paano tayo sa ating ginawa. Sinusuri natin ang ating kabanalan at pagsunod na para bang tayo ay minamarkahan ng Diyos sa ating bawat galaw. Ngunit hindi. Natatakot tayong makita ng Panginoon ang totoong nilalaman ng ating mga puso. Huwag kang matakot. Sabihin sa Kanya na hindi mo nais na tumayo sa Kanyang harapan at malamang ikaw ay nakakuha ng isang "U".





Mas mabuting tignan mo ngayon. Hingin ang pagpapala ng Panginoon upang magawa kung ano ang kailangang gawin. Ano ang maaaring ibig sabihin nito? Pagbabago? Pagpapasakop? Pagsuko sa kung ano ang gusto mong gawin?





Ikaw ay hindi nag-iisa sa paglalakbay na ito. Hindi mo kailangang matakot. Walang magandang maidudulot ang pagtatago. Isigaw sa iyong Panginoon: "O Panginoon, maawa ka. O Panginoon, Kailangan ko ng iyong pagpapala! Siya ay ang lahat ng lakas at ginhawa na iyong kailangan. Basahin ang Galacia 2:20.
Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka n...

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.thistlebendcottage.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya