Infinitum Adbiyento: Pagbuwag ng mga Hadlang, Linggo 2Halimbawa

Ang Pagkabukas-palad ay may Pagkakatugunan
Gusto mo ba ng mahika? Lubhang nakakabighaning panoorin ang isang pangyayari na ALAM mong imposible, ngunit sa iyong mga mata ito ay nangyari! Ang pagiging mapagbigay ng mga anak ng Diyos ay ganoon din: mahika. Sinabi ni Jesus (Lucas 6:38), “Magbigay kayo at kayo'y bibigyan ng Diyos; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.” Iyon ay isang pangako mula sa Kanya na kahit wala sa katwiran, kahit na hindi masundan nang pagiging bukas-palad ang pinanggalingan nito pabalik, kahit walang paliwanag…babalik ang kabutihang loob sa mga nagbibigay nito.
Minsan NAKIKITA natin ito. Halimbawa: ngumiti ka sa isang estranghero sa pagdaan mo sa bangketa, at ngumiti sila pabalik, at ang iyong puso ay nagalak: lohikal na paliwanag ng ang pagkabukas-palad ay naibabalik. Ngunit sinabi ni Jesus na kahit na hindi mo ito masubaybayan, ang pagkabukas-palad ay natutumbasan—sa masaganang pag-apaw na higit pa sa ibinigay mo!
Maglaan ng sandali upang isipin ang isang pagkakataon na hindi mo inaasahang natanggap ang labis na pagbibigay ng isang tao. Hindi ito kailangang maging pinansyal. Marahil ay gumawa sila ng daan para sa iyong boses sa isang workgroup, o tinanggap ka sa kanilang tahanan at puso, o napanatili ang isang tuluy-tuloy na pagpasok ng mga tawag na nakapaghihikayat sa isang panahon ng pagsubok.
Ang isang nakamamanghang katangian ni Jesus ay ang Kanyang kakayahang magbigay nang walang kondisyon. Sa labis at walang katapusan, ipinamahagi Niya ang Kanyang mga kaparaanan at ang Kanyang sarili sa atin—sa lahat! Ngunit sa disenyo ng buhay Cristiano, kahit SIYA ang tatanggap ng pamimigay—Siya ay nalulugod sa kagalakan ng Kanyang mga minamahal. Malinaw din Siya na bilang tayo ay mapagbigay sa isa't isa, parang tayo ay nagbibigay sa Kanya.
Habang ipinapahayag natin ang ating kabutihang-loob sa ating mga minamahal ngayong Pasko sa pamamagitan ng mga regalo, magbigay tayo nang walang pag-aatubili—hindi naghihintay para sa lohikal na katumbasan ng ating binigay na regalo. Alisin natin ang lahat ng mga kondisyon sa mga regalong ito at hanapin ang mahikang kapalit ng likas na pagiging bukas-palad. Hayaan nating bumalik sa atin and ating kagadahang-loob sa isang ganap na kakaibang anyo, sa ibang panahon, mula sa ibang pinagmulan. Maging mapagbigay tayo sa isa't isa, magpasakop sa mahika ng pagkabukas-palad—nagtitiwala na ang likas na katangian ng pagkabukas-palad ay natutumbasan.
Kung nais mong sundan ang bawat linggo ng Advent with Infinitum, mangyaring bumisitahttps://infinitumlife.com/2022advent para sa higit pang mga plano sa pagbabasa ng Biblia at mga mapagkukunan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Puno tayo ng pag-asa habang nakatuon tayo sa panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo at ating: Masdan ang Kagandahan, Basagin ang mga Harang, Gumawa ng Lugar, at Magulat sa Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ang iba—kaya magdala ng isa o dalawang mga kaibigan at pumasok sa Panahon ng Adbiyento nang may paghanga.
More
Mga Kaugnay na Gabay

God Is With You

Nagsasalita Siya Sa Atin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

Buhay Si Jesus!

Mag One-on-One with God

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103
