Umani ng Pagpapasalamat Buong Taon!Halimbawa

TUMATALON BA SA TUWA ANG IYONG PANLOOB NA PAGKATAO?
"Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.” Mga Awit 28:7
Kung paanong ang magsasaka ay nagtitiwala para sa ulan at sa tamang dami ng araw upang mapalago ang kanyang mga pananim, tayo, bilang mga mananampalataya at tagasunod ni Cristo, ay dapat ibigay ang ating buong pagtitiwala sa Kanya! Sinasabi sa atin ng banal na kasulatan ngayon kung saan nagmumula ang ating lakas. Nagmumula ito sa Panginoon, at ang Kanyang kagalakan ay nagbibigay sa atin ng lakas na harapin ang mga pagsubok na dumarating sa bawat araw.
Sa pag-aaral kahapon, nalaman natin ang tungkol sa isang babae na ang kagalakan ay nagmula sa loob, at dahil sa kagalakang iyon, siya at ang kanyang mga anak ay umawit ng isang kanta! Sa ating mga kalagayan ng kawalan ng pag-asa, hindi alam kung may sapat na suweldo upang matugunan ang mga bayarin, o kapag ang isang mahal sa buhay ay nabigyan ng masamang pagsusuri, mayroon ba tayong sapat na lalim sa Panginoon upang magtiwala sa Kanya sa ating mga kalagayan at umawit ng isang awit ng papuri?
Kung paanong kumakain tayo ng ilang beses sa isang araw upang mapangalagaan ang ating katawan, kailangan nating pakainin araw-araw ang ating kaluluwa sa Salita ng Diyos at sa panalangin upang matamo ang malalim na pagtitiwala.
Limang taon na ang nakalilipas, narinig namin ng aking asawa ang malungkot na pagsusuri na wala nang medikal na paraan upang iligtas ang kanyang buhay. Iyon ay noong Hunyo 22, 2017. Lumaki ang tumor sa kanyang esophagus at puso. Nawalan ng kakayahan si Dan na kumain, uminom, at lumunok. Makaraan lang ang halos dalawang buwan ay nagkita na sila ng Panginoon. Hindi na mapangalagaan ni Dan ang kanyang katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay nakapag-imbak ng espirituwal na pagkain upang malampasan niya ang mga araw na iyon.
Ang kanyang panloob na lakas na ibinigay ng Banal na Espiritu ay nagbigay-daan sa kanya na magpatuloy sa pagbisita sa mga shut-ins at pagkanta ng mga awit ng ebanghelyo upang mapasaya ang kanilang araw!
Darating ang panahon sa buhay na magtitiwala tayo sa Kanya nang buo o mapapagtanto na ang ating pananampalataya ay hindi tulad ng inaakala natin. Alinman tayo sa sinasabi nilang "put up or shut up." Oo, ito ay isang bruskong kasabihan, ngunit sinasabi nito ang talagang ibig sabihin nito. Napakaraming mga Cristiano na nagpapainit lang ng mga upuan ng simbahan ngunit walang lakas sa kaloob-looban sa iba pang 6 na araw! May mga sinasabi sila pero hindi nila ito ipinapamuhay. Kapag natutunan lang nating ipagkatiwala sa Diyos ang “lahat” ng mga bagay ay doon magliliwanag ang pasasalamat at kagalakan mula sa loob!
PAGSASANAY NGAYON:
· Pukawin ang pasasalamat bawat oras.
· Gawing layunin na pumukaw ng isang kanta mula sa loob.
· Kung pinakain mo ang iyong katawan ng pagkain ngayon, kailangan mong pakainin ang iyong kaluluwa.
· Oras na para lumagay sa tamang lugar o tumahimik.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ako ay namamangha sa mga aral na matututuhan natin mula sa ibang kultura! Ang ilan ay waring kulang sa mga materyal na bagay, gayunma'y nagpapakita sila ng matinding pasasalamat at kagalakan! Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong ang pagpapasalamat at kagalakan ay maging bahagi ng buhay ko tulad ng aking paghinga! Sa gabay na ito, matutuklasan natin kung paano gawing pang-araw-araw na pagsasanay ang panahon ng pasasalamat!
More