Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Worship: A Study in Psalms

ARAW 9 NG 106

Ano ang sinasabi nito?

Si David ay kumalong sa Panginoon, na matuwid at makatarungang namamahala mula sa Kanyang makalangit na trono.

Ano ang ibig sabihin nito?

Habang naglilingkod kay Haring Saul, isinulat ni David ang Awit na ito pagkatapos patayin si Goliath. Dahil sa paninibugho at paghihinala, maraming pagkakataong sa mga nagdaang taon sinubukan ni Saul na patayin si David. Iisang payo ang ibinigay ng lahat kay David, "Takbo!" Kahit na ang sitwasyon ay malubha, si David ay nasa eksaktong lugar kung saan siya inilagay ng Diyos. Magiging pagsuway sa Diyos kung si David ay tumakbong palayo. Sa halip, inilagay niya ang kanyang buhay sa mga kamay ng Diyos. Pinili niyang magtiwala sa Panginoon tulad ng dati niyang ginagawa. Dahil pinili ni David na mamuhay nang matuwid, ang kanyang matuwid na Diyos ay nasa kanyang panig.

Paano ako dapat tumugon?

Ano ang dahilan kung bakit gusto mong umalis? Nagsimula na bang lumala ang mga bagay sa iyong trabaho o sa iyong simbahan? Pinayuhan ka ba ng mga kaibigan mo na umalis na bago pa maging pangit ang mga bagay? Likas sa atin na lumayo kaagad sa anumang bagay na nagdudulot ng kakulangan sa ginhawa o panghihina ng loob. Gayunpaman, kung minsan, maaaring tawagin ka ng Diyos upang labanan ang mga sitwasyong hindi kayang maunawaan ng mga tao. May isang dahilan lamang para sa isang anak ng Diyos upang magbago ng direksyon - ang pagsunod sa Diyos. Gayundin, ang pangunahing dahilan para manatili ang mga Cristiano sa kanilang kinaroroonan ay ang kaalaman na inilagay sila ng Diyos doon at hindi pa sila pinalilipat sa ibang lugar. Sa alinmang paraan, sapat ba ang iyong pagtitiwala sa Diyos upang ilagay ang direksyon ng iyong buhay sa Kanyang mga kamay? Ano ang Kanyang iniuutos sa iyo na gawin ngayon?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Worship: A Study in Psalms

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Thomas Road Baptist Church para sa babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin: http://www.trbc.org