Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Worship: A Study in Psalms

ARAW 105 NG 106

Ano ang sinasabi nito?

Ang salmista ay magpupuri at magtitiwala sa Panginoon sa buong buhay niya dahil ang Kanyang katapatan ay nananatili. Hinamon niya ang Israel na purihin ang Diyos para sa Kanyang ipinahayag na mga batas at Salita.

Ano ang ibig sabihin nito?

Karaniwang iniisip na ang huling limang salmo ay isinulat noong natapos ang ikalawang templo at ang mga pader ng Jerusalem ay itinayong muli. Iyan ay angkop na paliwanag kung bakit nagsisimula ang mga awit na ito sa tatlong eksaktong salita: "Purihin ang Panginoon." Sa panahon ng pagkabihag at pagbabalik ng Israel, natutunan ng manunulat na ilagak ang kanyang pag-asa sa Diyos sa halip na sa mga tao. Tanging ang Lumikha ng Langit at Lupa ang umaalalay sa mga nababagabag, nag-aangat sa mga nagpapakumbaba, at nagpapagaling sa mga bagbag ang puso. Hindi Niya pababayaan ang mga nagtitiwala sa Kanya. Ang Israel ay may natatanging dahilan upang purihin ang Panginoon; walang ibang bansa ang nagkaroon ng kapahayagan ng karunungan at pagkatao ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga batas at utos. Nararapat na purihin Siya.

Paano ako dapat tumugon?

Anong mga hamon ang kinakaharap mo ngayon? Sino ang pinagkakatiwalaan mo para sa mga sagot? Mapagkakatiwalaan ang Diyos na ibibigay ang kailangan mo kapag naglalaan ka ng oras sa Kanyang Salita at panalangin. Kung nag-aalala ka, maaari kang bumaling sa Kanya para sa kapayapaan. Kung ikaw ay nag-iisa, maaari kang bumaling sa Kanya para sa pakikipagkaibigan. Kung ang iyong puso ay wasak, maaari kang bumaling sa Kanya para sa kagalingan. Kung pakiramdam mo ay wala kang kapangyarihan, maaari kang bumaling sa Kanya para sa lakas. Maaari mo pa nga Siyang pasalamatan at purihin bago dumating ang mga sagot dahil ang Diyos ay tapat magpakailanman sa mga taong pinipiling umasa sa Kanya.

Tungkol sa Gabay na ito

Worship: A Study in Psalms

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Thomas Road Baptist Church para sa babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin: http://www.trbc.org