Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa

21 Days to Overflow

ARAW 9 NG 21

Espirituwal na Pagkagutom

Lagi mong masasabi kung kailan nagbabago ang gana, dahil palagi itong magbubunga ng kakaiba. Kung ang ating mga gana ay nagbabago mula sa mga bagay ng Diyos tungo sa mga bagay ng mundo, ang gutom na iyon ay magbubunga ng mga bagay ng mundo. Sa kabaligtaran, kung ang ating mga gana ay nagbabago mula sa mga bagay ng mundo tungo sa mga bagay ng Diyos, ang gutom na iyon ay magbubunga ng mga bagay ng Diyos.


Ano ang ginagawa sa iyong buhay ngayon? Anong mga bagay ang nagmumula sa iyong pang-araw-araw na lakad, pananalita, kilos, motibasyon, at hilig? Kung ang mga pangunahing ginagawa mo ay mga bagay ng mundo, ang iyong gana ay nagbago na mula sa mga bagay ng Espiritu tungo sa mga bagay ng mundo. Kung ang pangunahing ginagawa mo ay mga bagay ng Espiritu, ang iyong gana ay nagbago na mula sa mga bagay ng mundo tungo sa mga bagay ng Espiritu.


Kung ang aking gana ay para sa mga bagay tulad ng pagbabasa ng Biblia, pannaalangin, at pagsamba, ako man ay nag-iisa o may mga kasama, kung gayon mayroon akong tamang gutom. Gayunpaman, kung wala akong gana sa mga bagay na ito, ang gutom ko ay para sa mga hindi tamang bagay.


Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa gutom. Sa Juan 6:25-70, tinawag ni Jesus ang Kanyang sarili na Tinapay ng Buhay. Ano ang ibig sabihin nito? Ang mga alagad ay medyo nalilito rin. Tinatawag ni Jesus ang Kanyang sarili na pinagmumulan ng ating espirituwal na pagpapakain. Sinabi Niya sa atin na kapag tayo ay espirituwal na nagugutom, maaari tayong pumunta sa Kanya at mabusog.


Sa Isaias 55:1-2, makikita nating ginamit muli ang pagkakatulad na ito. Ang mga nauuhaw at nagugutom ngunit walang pera ay sinasabing maaaring uminom at kumain. Kung wala silang pera, paano ito posible? Ang kanilang pagkauhaw at pagkagutom ay espirituwal na uri - at ang Kaharian ng Diyos ay hindi naniningil!


Kailangan nating ibalik ang ating pagkagutom para sa espirituwal na tinapay. Kailangan natin ng gana sa mga bagay ng Diyos. Kailangan nating itapon ang pagiging kuntento sa makamundong bagay. Kailangan nating manabik para sa pagpapakain ng Salita, panalangin, at pagsamba. Kailangang kumakalam ang ating mga sikmura sa pananabik sa Kanyang presensya. Kapag ginawa natin ito, masisiyahan ang ating mga kaluluwa, at magbabago ang ating buhay.


Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

21 Days to Overflow

Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa ...

More

Gusto naming pasalamatan ang Four Rivers Media sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.theartofleadership.com/

Mga Kaugnay na Gabay

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya