Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagharap sa DalamhatiHalimbawa

Handling Grief

ARAW 1 NG 10

Ayos Lang Magdalamhati



Kapag ang isang taong minamahal natin ay namatay, madalas ay nakakaramdam tayo ng napakaraming iba't ibang emosyon. Hindi, hindi maling umiyak o magdalamhati. Ang katotohanan na ang Diyos ang may kapamahalaan at ang lahat ay maaayos din pagdating ng araw ay hindi nakakabawas sa sakit na nararamdaman natin ngayon.



Nauunawaan ng Diyos kung gaano katindi at kasakit na harapin ang kamatayan. Makikita natin ang isang magandang halimbawa ng pananaw ng Diyos sa kamatayan noong muling binuhay ni Jesus si Lazaro.



Ipinakikita ni Jesus sa atin na ayos lang na magdalamhati noong tumangis Siya sa libingan ni Lazaro. Ipinakikita Niya sa atin na hindi kasalanan ang makaramdam ng kalungkutan. Ipinakikita Niya sa atin na ang matinding damdamin ay hindi isang bagay na dapat nating ikahiya.



Si Jesus ay umiyak tulad ng ating pag-iyak. Lumuha Siya tulad ng ating pagluha. Naantig Siya tulad nang tayo'y naantig. Si Jesus ay tumangis, na nagpakitang Siya ay may puso. Ipinapakita nito sa atin na hindi tayo naglilingkod sa isang Diyos na hindi naaantig sa mga nangyayari sa atin. Kaya't huwag kang matakot na dalhin ang iyong mga alalahanin sa Diyos.  



Sinasabi sa atin ng Mga Hebreo 4:15 na "Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan". Si Jesus ay naaantig sa ating mga paghihirap. 



Nagdalamhati rin si Jesus nang ang Kanyang malapit na kaibigan at pinsan, si Juan na Tagapagbautismo ay ipinapatay.



Ang Kanyang reaksyon sa dalawang kamatayang iyon ay magkaiba. At may matututunan tayo mula sa Kanyang karanasan kung paanong magdalamhati.



Sa Mateo 14:13, makikita natin na nang malaman ni Jesus ang balita tungkol sa pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo, sumakay Siya sa bangka at nagtungo sa lugar na walang tao. Si Jesus ay nagdadalamhati. Nalungkot Siya noong marinig Niya ang nangyari kay Juan. At ang gusto lamang ni Jesus ay magkaroon ng panahon upang mapag-isa, manalangin at mag-isip. 



Maraming mga panahong gugustuhin mong mapag-isa sa iyong pagdadalamhati, habang nag-iisip at gumugugol ng oras kasama ang Diyos at nagtatanong sa Kanya. Ayos lang ito.



Ngunit nabasa natin na nang marinig ng mga tao kung saan pupunta si Jesus, sila ay naglakad at sinalubong si Jesus sa kabilang dako.



Naramdaman mo na ba iyon? Ang gusto mo lamang ay umalis at mapag-isa upang magdalamhati, pero hindi mo magawa dahil sa mga hinihingi ng buhay? 



Paano tumugon si Jesus sa ganitong sitwasyon? Sinasabi sa Biblia na nang makita Niya ang mga tao ay naawa Siya sa mga ito at agad-agad Niyang pinagaling ang mga maysakit. Bagama't nagdadalamhati si Jesus dahil sa pagkawala ng Kanyang kaibigan, nagbigay-kapangyarihan sa Kanyang ministeryo ang pagdadalamhati. Sa kabila ng sakit sa Kanyang damdamin, bumaling Siyang papalabas sa halip na papaloob. Sa halip na ibaling ang sarili sa Kanya at isiping "kawawa naman ako", ibinaling Niya ang Kanyang sarili palabas upang maglingkod at mahalin ang mga tao.



Kailangang maging maingat tayo na ang ating pagluluksa ay hindi natin gawing pagkaawa at pagkamuhi sa ating sarili sa ating pagdadalamhati. Ang ating pagdadalamhati ay nagbibigay-kapangyarihan sa atin upang magmahal at maglingkod sa iba. Ang lahat ng kirot, ang lahat ng mga nararamdaman mo, kunin mo ang mga ito at gamitin upang magpakita ng awa sa mga taong kailangang-kailangan ang pag-ibig ni Jesus.



Ito kadalasan ang susi upang makapagpatuloy sa buhay sa gitna ng pagdadalamhati. Habang gumugugol tayo ng panahon upang tingnan ang ating mga sarili, mananatili tayo sa nakaraan. Kapag tumingin tayo sa labas at naglingkod sa iba, nakakaabante tayo sa ating hinaharap.



Sipi:Kapag itinago natin ang mga larawan ng Diyos na tila di-natitinag at pinapalitan ito ng mga larawan kung saan ang Salita na Siya ngang Diyos ay maaaring umiyak sa pag-iyak ng mundo ay matutuklasan natin kung ano talaga ang kahulugan ng salitang "Diyos". - Tom Wright



Panalangin:Panginoon, pinasasalamatan Kita dahil nauunawaan Mo ang aking dalamhati. Lumalapit ako sa Iyo upang humingi ng tulong at lakas sa aking pagdadalamhati. Amen.






Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Handling Grief

Kapag ang isang taong minamahal natin ay namatay, madalas ay maraming iba't ibang emosyon ang ating nararamdaman. Sa 10-araw na debosyonal na ito, matututunan natin kung paano natin kakayanin ang kalungkutan kapag ang at...

More

Nais naming pasalamatan si Vijay Thangiah sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.facebook.com/ThangiahVijay

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya