Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Landas ng Diyos Tungo sa TagumpayHalimbawa

God’s Path to Success

ARAW 1 NG 3

Maraming mga tao ang hindi nakikita sa kanilang isipan kung ano talaga ang tagumpay. Naghahanap sila ng matinding pasabog at kaningningan at isang masigabong palakpakan. Ang ating industriya ng pelikula at mga social media site, kasama ang mga propesyonal na palaro, ay lumikha ng isang hindi makatotohanang pananaw sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang matagumpay na tao. Sa kasamaang-palad, ang hindi makatotohanang pagpapalagay na ito ay kadalasang nagiging dahilan upang makaligtaan natin ang tunay na tagumpay pagdating nito. O ito ay nagiging sanhi upang hindi natin ikatuwa ang tagumpay na ating nakamit. Bilang resulta ng hindi pagkilala nito, maaaring mauwi tayo sa paghabol sa susunod na tagumpay. At pagkatapos ay ang susunod at ang susunod. Natatagpuan natin ang ating sariling umiikot sa magulong ikot ng buhay.



Dahil nabubuhay tayo sa isang wasak na mundo, at nababahiran ng kasalanan at ng mga epekto nito, marami sa mga tagumpay sa ating buhay ay maaaring tila mapait matapos ang lahat. Maliban na maintindihan natin ang likas na katangian ng espirituwal na tagumpay, maaari tayong mauwi sa isang walang katapusang paghahanap para sa isang bagay na naibigay na sa atin. Kung walang malinaw na pag-unawa sa tagumpay ng kaharian, hindi natin malalaman kung paano ilaan ang ating oras, talento at kayamanan. Anuman ang iyong itinanim ay magpapasiya kung ano ang iyong aanihin. Ngunit madalas tayong hinihimok ni Satanas na maghasik sa mga maling bagay dahil hindi natin naiintindihan kung ano ang anyo ng tunay na tagumpay.



Ano ang tatlong nangungunang bagay o pangitain na naihasik mo sa nakalipas na ilang taon?



Anong mga bunga ang kanilang naidulot, at nababagay ba ang mga ito sa plano ng kaharian ng Diyos?





Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

God’s Path to Success

Ang bawat tao'y naghahanap ng tagumpay, ngunit marami ang hindi nakakahanap nito dahil ang kanilang hinahangad ay isang maling pagkaunawa sa kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng isang matagumpay na buhay. Upang ma...

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya