Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsunod kay Jesus na Ating TagapamagitanHalimbawa

Following Jesus Our Mediator

ARAW 4 NG 7

Si Jesus at ang Matatakutin


Walang napakalaking takot na hindi tayo kayang tulungan ni Jesus na kaharapin ito. Walang kadilimang masyadong malalim upang abutin ng Kanyang liwanag.



Mula sa isang tala ng natutunan sa Study Bible ng Africa na pinamagatang “The Light of Life”:

Sa maraming lugar, ang pagdating ng takip-silim ay nagdudulot ng pangamba at takot sa mga nakaambang panganib. Karamihang mga kasamaan at krimen ay ginagawa sa kadiliman ng gabi. Ang pangkukulam at panggagaway, pagnanakaw at pagpatay, imoralidad at paglalasing ay kadalasang nagaganap sa kadiliman. Ang mga mamamatay-tao, mga nasasaniban ng demonyo na naghahasik ng lagim sa gabi, at mga kumukunsulta sa mga espiritista ay nagtatago sa kadiliman ng gabi. Ang mga tao ay nag-aalinlangan sa kung anong naroon sa anino ng kadiliman, kaya't sabik sila sa bukang liwayway. 



Ngunit kay Jesus, walang dapat matakot sa kadiliman dahil kapag pinili mong sumunod sa Kanya hindi ka na lalakad sa kadiliman kundi sa kagalakan ng Kanyang liwanag. Sa katunayan, Siya ay tinatawag na Ilaw ng Sanlibutan sa Ebanghelyo ni Juan. Ang sinumang gustong maliwanagan ng presensya ni Cristo—na nagbibigay ng pag-asa at direksyon sa buhay—ay dapat mapag-isa kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ang tanging paraan upang "nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo” (Lucas 11:36). Ang pagpapahintulot kay Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan, na punuin ang iyong buhay ang tanging paraang maiiwasang mapuluputan ng kadiliman ng mundo at ng mga mapanlinlang na kasiyahang alok nito.



Pagnilayan o Talakayin


Sabi sa 1 Juan 1:5, “ang Diyos ay ilaw at walang anumang kadiliman sa kanya.” Bakit makabuluhang si Jesus ay tinatawag na Ilaw ng Sanlibutan, at walang kadiliman sa Kanya?



Paano mo ilalarawan ang pagkakaiba ng pamumuhay sa kadiliman at pamumuhay sa liwanag? Aling buhay ang gusto mong ipamuhay



Ano ang mga takot o lugar ng kadiliman sa iyong buhay na pumipigil sa pagniningning ng liwanag ng Kanyang buhay? Hihilingin mo ba sa Kanya na lumapit at pagliwanagin ang Kanyang nagdadalisay na liwanag sa lahat ng madilim na sulok ng iyong buhay?


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Following Jesus Our Mediator

Isang bulag na pulubi ang desperadong umiiyak sa gilid ng daan, isang makasalanang babaeng kinamumuhian ng maranagal na lipunan, isang tiwaling kawani ng pamahalaan na kinasusuklaman ng lahat, paano aasa ang mga taong it...

More

Nais naming pasalamatan ang Oasis International Ltd sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://Oasisinternationalpublishing.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya