Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Maligayang Pamumuhay: Isang 7-Araw na Debosyonal para sa mga Magulang Tungkol sa Pamumuhay Mula sa Pagtanggap—Hindi para sa PagtanggapHalimbawa

Living a Happy Life: A 7-Day Devotional for Parents About Living From Acceptance—Not for Acceptance

ARAW 3 NG 7

Araw 3: Isang Napakalungkot na Paraan para Mabuhay



Maraming mga taong tinatanggap ang kapatawaran ni Cristo at pagkatapos ay iniisip nilang kailangang mapanatili nila ang Kanyang kapatawaran sa pamamagitan ng pagiging mabuti at paggawa ng mabubuting bagay. Niyayakap ng mga tao ang libreng kaloob ng walang hanggang buhay at pagkatapos ay iniisip nilang nasa sa kanila kung paano itong mapapanatili sa pamamagitan ng pagpapatunay na sila ay karapat-dapat dito.



May isang buong aklat sa Biblia patungkol sa ating pagkatuksong mag-isip sa ganitong paraan. Ang aklat ng Mga Taga-Galacia ay sulat ni apostol Pablo sa isang grupo ng mga taong kanyang minamahal. Sumulat siya upang ipaalala sa kanila na kaya sila naging mga Cristiano ay dahil sa biyaya ng Diyos, at kailangan pa rin nila ang biyaya ng Diyos. Para magsimula silang mamuhay na naglalagay ng mga "spiritual stickers" sa kanilang talaan ay nakakasindak! Ito'y nakakalungkot at nakakapagod dahil hindi nila matatamasa ang biyaya at kalayaang kanilang tinanggap. 



Kapag hinanap natin ang pagsang-ayon ng Diyos sa sarili nating gawa, ang ating kagalakan ay hindi kailanman malulubos. Tayo ay mabibigatan, dahil lagi nating dala-dala ang bigat ng ating pakikibaka.  



Kapag hinanap natin ang pagsang-ayon ng Diyos sa sarili nating gawa, ang trabaho natin ay hindi matatapos. Ang pagpupumilit na makuha ang pag-ibig ng Diyos ay nakakapagod dahil may kailangan laging gawin. 



Salamat na lamang, ang biyaya ng Diyos ay tinatanggap, hindi nakakamit. Ang paggawa ay kumpleto na dahil ang ginawa ni Jesus sa krus ay kumpleto na. Nang Siya'y mamamatay na, sumigaw si Jesus, "Naganap na." Huwag nang muling bumalik sa pagkaalipin ng pagpupumilit na makamit ang pag-ibig ng Diyos. 


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Living a Happy Life: A 7-Day Devotional for Parents About Living From Acceptance—Not for Acceptance

Ang mga bata ay nakakaramdam ng higit na panggigipit ngayon kaysa sa dati, ang pakiramdam nila ay kailangan may magawa sila sa tuwina at patunayan ang kanilang mga sarili. Ang pagkabalisa ay tumatama sa mga bata sa napak...

More

Nais naming pasalamatan ang B&H Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.QuokkasandSnails.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya