Mga Pagninilay sa PaskoHalimbawa

Pumipili ang Diyos
Ang ating kuwento ng Pasko ay nagsisimula sa pagpapahayag ng anghel kay Maria at nagtatapos sa pagbisita ng mga Mago. Sa mga pagninilay at mga aplikasyong ito ng salaysay ng Pasko, halos lahat ay magbabatay sa Lucas, dahil ito ang may pinakakumpletong salaysay sa lahat ng mga ebanghelyo.
Ito ay isang kuwento na parehong napaka-personal at pribado, ngunit, sa huli ay napaka-publiko, at nakakagulat din.
Ang mga taong gumaganap ay mula sa isang kabataang babaeng Judio; isang beteranong anghel, si Gabriel; si Jose; at mga lokal na pastol; kasama na ang mga matatalinong tao mula sa silangan na kumumpleto sa kuwento. Ang mga tauhang tulad nito ay hindi pa kailanman binuo o mula pa noon ay nabuo. Ang drama na naganap ay nagkaroon ng kosmikong kahihinatnan, hindi lamang mga lokal.
Taun-taon ang kuwento ng Pasko ay isinasalaysay sa libu-libong paraan, sa literal na milyun-milyong lugar. Ito ay may simpleng pang-akit na parang pambata, ngunit mayaman at maygulang sa teolohikal na mga salita, at kinagigiliwan ng marami. Sino nga ba ang hindi nasubukang makilahok o naging hayop sa pagsasadula ng belen?
Nag-umpisa ang lahat sa isang batang birhen, si Maria. Siya ay nanirahan kasama ang kanyang pamilya sa Nazaret. Alam nating ang Nazaret ay kilala sa pagiging lugar na madaling makalimutan—“May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret.” Tila hindi isang magandang simula kung ang hindi gaanong kilala at hindi inaasahang taong nagmumula sa isang bayan na itinuturing na walang halaga ang napili. Ngunit ito ang madalas na pamamaraan ng pakikitungo ng Diyos sa sangkatauhan—"upang walang sinumang tao ang maaaring magyabang sa harapan ng Diyos.”
Gaano kadalas natin napagkakamalan ang mga kagustuhan, lakas, at katalinuhan ng tao ay dahil sa sarili nilang kakayahan sa halip na sa Diyos? Ang Kanyang mga pamamaraan ay mas mataas. Nangangahulugan ito na hindi natin sila maiisip o mauunawaan, hindi dahil ang mga ito ay isang bersyon ng kung ano ang gagawin natin, kundi mas higit pa. Ang mas mataas, sa kasong ito, ay nangangahulugang hindi natin kayang abutin o maunawaan.
Sino ba sa atin ang pupunta sa pinakamababang tao sa lugar na hindi halos dinadaanan, isang lugar na hindi maganda ang reputasyon, at pipili ng taong makakaimpluwensya sa mundo—magpakailanman? Marahil ay pupunta tayo sa pinakamahusay na mga unibersidad o kumpanya at pipili ng isang taong may kahanga-hangang listahan ng mga nagawa niya. Hindi ang Diyos. Pinipili Niya ang hindi nakikita, ang mapagpakumbaba, ang hindi ipinagmamalaki ang sarili dahil alam nilang hindi ang kanilang lakas o katalinuhan ang nakakagawa nito. Alam na alam nila ang sarili nilang kawalan, ang kanilang mga pagkukulang, at ang kanilang pagkatao.
Pinipili ng Diyos ang hindi inaasahan, ang may pinakakaunting kwalipikasyon, at ang pinaka-nakakaalam sa kanilang mga pagkukulang; ang mga makasalanan ay nagiging pinakamahusay na mga santo. Sa Kanyang Kaharian ang makamundong kalamangan at karangyaan ay nahihigitan ng simpleng pagsunod at paghanga.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kuwento ng ating Pasko ay nagsisimula sa pagpapahayag ng anghel kay Maria at nagtatapos sa pagbisita ng mga Mago. Sa mga pagninilay-nilay at aplikasyon ng salaysay ng Pasko ay kadalasang tinutukoy ko si Lucas, dahil ang aklat niya ang maraming binanggit patungkol dito sa lahat ng ulat ng ebanghelyo.
More